Jodi Sta. Maria and Richard Yap receive Gold Record Award for soundtrack; they will take part in a world tour



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Matapos tanghalin bilang isa sa mga finalist sa telenovela category ng prestiyoshong 2013 New York Festivals (NYF) World’s Best Television and Film, panibagong tagumpay na naman ang nasungkit ng phenomenal daytime kilig-serye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart sa pagkamit ng official soundtrack album nito ng gold record award.


"Dati po sa videoke lang ako kumakanta, ngayon may gold record na! Sobrang saya po namin sa suporta n'yo," masayang pahayag ni Jodi Sta. Maria. "Maraming-marami pa pong mangyayari sa mga susunod na araw at abangan po ninyo kung magki-kiss na nga sina Maya at Sir Chief."


"Iginawad ang gold record award sa ASAP 18 noong Linggo (Pebrero 18), kung saan nakasama rin nina Jodi at Richard Yap na nagpasalamat sa publiko ang business unit head ng ng Be Careful With My Heart na si Ginny Ocampo. Sa ASAP 18 rin inanunsyo nina Jodi at Richard ang opisyal na pagsisimula ng kanilang world tour na dadayo sa Middle East sa darating na Marso at sa US at Canada pagdating ng Mayo.


"Samantala, dinumog kamakailan ang "Kapit-Bisig sa Pag-ibig Day" mall tour ng Be Careful With My Heart sa Market Market, Taguig. Umabot ng 11,000 katao ang nagkapit-bisig upang makisaya kina Jodi at Richard kasama pa ang iba ng cast members na sina Mutya Orquia, Jerome Ponce, Janella Salvador, JM Ibañez, Micah Muñoz, Vivieka Vivieka, Tart Carlos, Claire, Marlo Mortel, at Mccoy.


"Huwag palampasin ang Be Careful With My Heart, araw-araw, 11:45am, pagkatapos ng Minute To Win It sa Primetanghali ng ABS-CBN. Subaybayan rin ang Be Careful With My Heart Sabado Rewind tuwing Sabado, 10am, bago ang It's Showtime."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN