Gag show Banana Nite will air weeknights starting February 25



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Magkakapit-bisig ang cast ng pinakabagong Banana Nite upang maghatid ng ‘overnight’ na katatawanan gabi-gabi pagkatapos ng Bandila.


"Ala-people power revolution ang dating ng cast ng bagong show na may tagline na “Tara na at makibaka, makitawa. Tama na, tawa na!” Ang Banana Nite ang ‘daily serving’ ng weekly gag show na Banana Split.


“Inaanyayahan po namin ang mga manonood na makibaka at makitawa sa amin sa Banana Nite. Kung dati ay tuwing Sabado lang ang kulitan, ngayon gabi-gabi na,” ani Angelica Panganiban.


"Dapat abangan sa Banana Nite ang kanilang bonggang production numbers gabi-gabi, bagong segments na “Ihaw Na” at “Krissy and Me”, at mga guest na artistang bubuo ng inyong gabi tulad nina Bea Alonzo, Iza Calzado at Joey Marquez. Bukod dito, hindi mawawala ang napapanahon nilang jokes at gags, tulad rin ng weekly Banana Split na mapapanood tuwing Sabado.


"Sa February 25 (Monday) na magsisimula ang gimikan sa Banana Nite na kinabibilangan nina Angelica, John Prats, Zanjoe Marudo, Jason Gainza, Pooh, Melai Cantiveros, Ryan Bang, at marami pang iba.


"Mapapanood ang Banana Nite tuwing gabi-gabi pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN