Gladys Reyes on her show Moments: “Hindi lang po kami nandito just to entertain them, but at the same time to give them information.”

Kinumbida na ni Gladys Reyes ang mga dream guests na mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao. Kuwento niya: “So talagang lumapit ako talaga straight sa kanya and sabi ko, ‘I hope one day po, mai-guest ko kayo pareho sa Moments.’ Sabi ni Pacquiao ‘Ano yun?’”



Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys Reyes kahapon, February 25 sa Outback restaurant sa Libis, Quezon City.

“Anong sangkap? Kumbaga po sa pagkain, yung spices and yung sangkap nito ay tamang-tama lang sa panlasa ng mga manonood,” ang bungad ni Gladys tungkol sa kanyang TV show na Moments sa Net 25.

“Actually depende sa nanonood, depende sa amin kung paano namin binuo, pinagtulung-tulungang na buuin yung programa.

“Pero ang sabi nga, bottom line is, hahaluin mo yung mga spices na yun para talagang swak na swak sa kanilang panlasa.

“And siguro naman po dahil magsi-six years na kami, marami po kaming na-touch na mga pamilya na nanonood po sa amin...

“Nanay, tatay, mga bata, kaya po siguro hanggang ngayon nandito pa rin naman kami.

“And hindi lang po kami nandito just to entertain them, but at the same time to give them information.

“So parang infotainment at the same time.”

BIG STARS. Tinanong naman namin si Gladys kung totoo bang isa na rin siya sa mga producers ng Moments?

“Tsismis lang po iyon, hindi po totoo.

“How I wish na makapag-produce ako ng ganitong klaseng show na talagang magbe-benefit ang buong pamilya.

“Pero hindi po, tsismis lang po iyon. Akala lang nila producer ako kasi kung makaasta ako, akala mo producer,” sabay-tawa ni Gladys.

“Puwede pa, talent coordinator. Opo, aminado po ako doon.

“May mga pagkakataon na paminsan-minsan ako po ang talent coordinator nito.

“Lalo na po noong aming nakaraang season nai-guest po namin sina Ms. Sharon Cuneta, Kris Aquino, sina Ate Lorna Tolentino, and sila Ate Marya [Maricel Soriano]...

“Yung mga talagang big stars at celebrities, mommies and daddies.

“Of course with Mr. Robin Padilla, sila Bossing [Vic Sotto], aminado po ako, ako talaga ang nangarir noon!

“Kay Pops [Fernandez], si Pops nga sabi niya ‘Ikaw ba yung producer?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi parang nagtataka na si Pops, bakit ako yung tumatawag...

“Or it’s either iniisip niya na ako yung producer or nagtitipid kami sa staff,” at muling tumawa si Gladys.

THE PACQUIAOS. At may dream guests ni Gladys para sa Moments

“Alam ninyo po actually halos lahat, ano?

“Pero kasi alam naman natin na, pero ngayon kasi, imposible dahil nangangampanya ano, pero like si Mr. and Mrs. Manny Pacquiao.

“So far, sila yung talagang prominent sa ano natin na hindi ko pa naige-guest sa Moments.

“Pero actually, personally na-invite ko sila doon sa wedding ulit ni Kuya Bong [Revilla] at ni Ate Lani [Mercado]...

“Talagang alam mo naman ako, di ba, pagdating sa guts?

“So talagang lumapit ako talaga straight sa kanya and sabi ko, ‘I hope one day po mai-guest ko kayo pareho sa Moments.’

“Sabi ni Pacquiao ‘Ano yun?’” at muling humalakhak si Gladys.

“Talaga naman, hindi naman, siyempre kaya nga kami nagpa-presscon ngayon ano... para, di ba?

“Ipaalam ninyo po sa madlang people na merong Moments na isang makabuluhang panoorin para sa buong pamilya.

“So siguro naman after this presscon, hindi na sa sasabihin ni Pacquiao na ‘Ano yun?’ Di ba?” at muling tumawa si Gladys.

“Kaya tulungan ninyo akong i-promote ang Moments para hindi na magtaka si Pacquiao kung ano yung ipinag-iimbita ko sa kanya.

“Baka akala niya fund-raising project o fund-raising show, di ba?

“Pero si Miss Jinkee naman, at least, ha? Alam niya yung Moments, in fairness.

“Hindi... Dahil siguro naman, may time pa bang manood si Pacquiao ng mga ganito, di ba?

“Pero dapat, next time, magkaroon siya ng time dahil marami siyang matututunan dito,” ang tumatawa pa ring sinabi ni Gladys.

CELEBRITY GUESTS. Nai-guest na rin niya sa Moments ang kaibigan niyang si Judy Ann Santos.

“Actually she was still pregnant that time kay Lucho pero siguro puwedeng i-guest siya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This time, dahil mas marami na siyang karanasan bilang talagang nanay, di ba?

“Halos lahat na po, name it, yung mga big stars natin, sa awa naman po ng Diyos, mga A-list stars natin, nai-guest na po natin.

“Yung mga daddies, marami pa akong hindi naige-guest.

“So far ang mga daddies ko pa lang po were Robin and Bossing tapos mga comedians.

“So far, sa daddies, ako maraming hindi... like si Senator Bong, nasabihan ko na rin siya before, kaya nga lang siyempre very busy sila ngayon sa kampanya.

“And yung mga hindi pa talaga, pupuwede rin yung mga politicians natin na kaibigan or wini-wish ko na makasama.

“Before, bago po nag-ano itong campaign, ano, I heard Senator Loren Legarda said ‘yes’ already sa Moments...

“Naabutan nga lang kasi ng kampanya, pero siguro po after the campaign.

“And Ms. Tingting Cojuangco... Ayun po, nakakatuwa naman na nagpaabot sa amin ng pagsasabi na willing na willing mag-guest si Ma’am Tingting Cojuangco sa Moments, pinaabot ng kanyang staff.

“So iyon naman, e, natutuwa po kami at sana magkaroon ng katuparan iyon.”

MAINSTAYS. Kasama na rin sa show niya ang mga anak nila ni Christopher Roxas, sina Christophe at Aquisha.

Paano sila ni Christopher nakumbinsi ng Net 25 na payagan ang mga anak nila na maging hosts na rin ng show?

“Ayun po, actually hindi na po kami kailangang kumbinsihin.

“Kasi, unang-una, hindi dahil sa gusto ko silang mag-host ano?

“At tsaka kahit tanungin ninyo sila, hindi talaga doon yung dahil gusto ko lang o ano. Sila rin mismo ang may gusto.

“Siguro dahil nga exposed sila sa work ko, bata pa sila pumupunta sila sa tapings, lalo na sa Moments...

“Alam ko naman very kid-friendly yung ambiance sa studio namin, so siguro sila rin mismo yung nahikayat na ‘I wanna be with Mommy!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto nilang kasama ako every taping day.”

CHILDREN’S SEGMENT. Ano ang sabi ni Christopher sa pagpasok ng mga bata sa showbiz?

Seven years old na si Christophe at four years old naman si Aquisha. Two years old naman ang bunso nila na si Grant.

“Sa kanya naman, basta yung walang pilitan at halimbawa hindi na nila type, inaantok na sila, gusto na nilang maglaro, go!

“Ganoon lang. Yun din naman ang gusto ko sa Moments family ko, ano?

“Kasi, sinabi ko naman sa kanila na dapat ang susundin siyempre yung ano nila.

“Siyempre mga bata ‘yan, hindi dapat yan pinipilit kung ayaw na nila.

“So ganoon nga yun—pag type lang nilang sumama doon sa episode... type nila. Kung hindi, di hindi.”

Siya na ang manager ng mga bata, kumusta naman ang talent fee ng mga ito?

“Wala naman talagang TF, honorarium lang, as in makakabili sila ng gusto nilang laruan after,” at natawa si Gladys.

Ang segment nga ng mga bata ang isa sa bagong “sangkap” ng Moments.

“Sa bagong season, yung segment nila, parang kiddie zone although hindi iyon talaga ang title pero parang ganoon, yung kiddie moments nila.

“And doon po sa kiddie zone na iyon, iyon yung minsan, nagbe- birthday-hopping sila ng mga celebrity kids.

“Nakapunta na sila sa birthday ng anak ni Alfred [Vargas] and yung wife niya, and mga ibang activities.

“Parang pinapakita nila, ito yung mga bonding places na perfect for kids and the whole family.

“Educational, at the same time pinapakita rin na hindi lang naman lagi sa mall dapat nag-e-enjoy ang mga kids.

“Pinapakita po puwedeng museum, puwedeng dalhin sa park.

“Or yung mga hindi naman kailangang laging magastos mag-bonding yung buong pamilya—so iyon po ang segment nila.”

NEW SEASON. Sa pagpapatuloy ng Moments sa bagong season nito, bibigyang daan ni Gladys ang mga bagong paksa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“By the way, ito pong Moments ngayon, our new season, kung yung past season po namin we focus more on celebrity moms, dads, celebrity parents...

“This time po, dito sa Moments namin, we focus more on topics na talagang makaka-relate po yung mga parents natin nowadays...

“Like yung mga first-time moms, first- time parents, about health and wellness and also responsible parenthood, responsible TV viewing.

“Bilang I’m one of the members po of MTRCB [Movies & Television Review and Classification Board]...

“So meron po kaming isang episode na talagang buong show for MTRCB.

“Para po mai-promote po namin yung campaign namin for matalinong panonood.”

Napapanood ang Moments sa Net 25 tuwing Sabado, 7 to 8 p.m., with replays every Sunday at 8 to 9 a.m. at 2 to 3 p.m., and Mondays and Thursday replays naman ng 2 to 3 p.m.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN