Paroa, starring Derrick Monasterio and Barbie Forteza, is slated to end this week



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


"Sa huling linggo ng Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa, hindi pa rin tumitigil si Rosanna (Alicia Mayer) sa paghigante sa mga Paroa. Patuloy niyang lulusubin ito ngunit makakatakas ang mga Paroa. Magpapasiya na si Mariposa (Barbie Forteza) na pagalingin si Inigo (Derrick Monasterio) para pigilan nito si Rosanna. Sa tulong ng Ambrosia, gagaling si Inigo ngunit hindi parin niya mapipigilan ang kanyang ina. Susunugin ni Rosanna ang pataniman ng Ambrosia at magkakaroon ng forest fire. Mababaril pa nito ng net gun ang mag-asawang Aurora (Tanya Garcia) at Adon (Gerard Pizarras) ngunit babagsakan naman ng nasunog na troso si Rosanna.

"Maliligtas ni Mariposa si Rosanna at ipapaliwanag ni Inigo sa kanyang ina na walang kasalanan ang mga Paroa. Ikukulong ng mga Paroa si Rosanna ngunit pakakawalan din ito at patatawarin dahil sa desisyon ni Mariposa. Paaalisin na ng mga Paroa ang mag-ina. Ipaglalaban ni Inigo ang pagmamahal niya subalit nagdesisyon narin si Mariposa na paalisin si Inigo kahit masakit din para sa kanya.


"Samantala, magbabanta si Belen (Maritoni Fernandez) na ipaghihiganti niya ang pagkamatay ng kanyang anak na si Becca (Joyce Ching). Isinisisi ni Belen ang pagkamatay ng kanyang anak kay Mariposa. Mapapasok ni Belen ang Paroa at may dala itong baril. Babarilin ni Belen si Mariposa at sa puso ito tatamaan. Mamatay si Mariposa ngunit mabubuhay muli dahil sa halik ni Inigo. Kahit sa kanilang pagmamahal para sa isa’t isa, bilang prinsesa ng mga Paroa, gagawin parin ni Mariposa ang makakabuti at ikatatahimik ng Paroa at ito ay pagpapaalis kina Inigo at ang pagsasara ng lagusan sa Paroa patungo sa mundo ng mga tao.


"Maipaglalaban pa kaya ni Inigo ang kanyang pagmamahal kay Mariposa? Mababago pa kaya ang isip ni Mariposa na huwag isara ang lagusan? O tuluyan na silang maghiwalay at kalimutan ang isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag palagpasin ang mga huling araw ng Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa pagkatapos ng Forever sa GMA Afternoon Prime."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN