Barbie Forteza and Derrick Monasterio joined fellow Paroa cast members in their thanksgiving party


Isang thanksgiving party ang ibinigay ng GMA-7 sa buong cast at production staff ng Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa noong February 26 sa 22nd Street Music Bar, Antipolo, Rizal.

Ang telefantasyang ito ay pinagbibidahan ng teen stars na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio, sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes.

Kasama sa naturang programa ang mga baguhang sina RuRu Madrid, Michael Felix Tan, Marc Acuzar at iba pa. Kabilang rin ang mga aktres na sina Sharmaine Santiago, Alicia Meyer at Maritoni Fernandez.

Ang Paroa ay nagsimulang umere sa Kapuso Network noong December 3, 2012. Nakatakda itong magtapos ngayong unang linggo ng Marso.

Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving party ng Paroa at nakita namin ang saya ng cast at production people sa 22nd Street upang imarka ang pagtatapos ng telefantasya na tumagal ng halos apat na buwan sa ere. Masaya at maingay ang ambiance dahil nagsisimula na ring magkanta ang sing along masters.

Sabay dumating ang lead stars na sina Barbie at Derrick kasama ang ina ng teen actress. Bago pa nito ay nauna nang dumating sina Alicia Meyer at Sharmaine. Halos magkatabi lang sila ng upuan. Nasa loob na rin ng music bar sina Michael at Marc bago pa dumating ang lead stars kung saan nag-ikot, nagpa-picture at nakipag-kamayan muna sa staff and crew saka umupo mga bandang alas diyes na ng gabi.

Later ay dumating na din sina Direk Mark Reyes at Maritoni habang ang lahat ay nagkakasiyahan na. Sumunod si RuRu kasama ang kanyang tatay. Tulad ng iba, nag-ikut-ikot muna siya bago naki-upo kina Derrick. Dumating din ang star na si Rey Talosig kasama ang girlfriend.

Isang pa-raffle ang ginawa sa gitna ng kasiyahan kung saan may mga nanalong cash prizes at cell phones.

Sa pangangantiyaw ng sing along masters, napilitan umakyat sa stage si Sharmaine kung saan naghandog ito ng dalawang fast songs. Later sumunod na kumanta sina Derrick, Barbie at RuRu kung saan sigawan ng sigawan ang mga bisita.

Nang sumayaw si Miguel ng “Teach How To Dougie,” nakipagsayawan na din sina Derrick at RuRu. Nakipagsabayan na din ang mga staff and crew pati mga pamilya nila at halos di na magkarinigan sa sobrang ingay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ay ilang oras ay nagtapos ang kasiyahan ng Kapuso telefantasya na magtatapos sa unang linggo ng Marso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN