Marvin Agustin helped TV5 conceptualize Karinderya Wars, an upcoming "luto-negosyo challenge show"



Kasama ang chef-entrepreneur Marvin Agustin sa katatapos lang na Celebrity Chef Food Truck Cook-Off sa Pasay City.

Sa dami ng taong nagpunta sa nasabing event, nahigitan ni Marvin ng apat na beses ang estimated sales ng mga niluto niya.

Hindi man siya ang nagwagi sa “culinary wars,” tuwang-tuwa si Marvin na dumarami ang mga Pinoy na ginagawang kabuhayan ang pagluluto.

Bukod kay Marvin, ang iba pang sumali sa Celebrity Chef Food Truck Cook-Off ay sina Sau del Rosario, Robby Goco, Florabel Co-Yatco, Bruce Lim, at Tristan Encarnacion.

Ani Marvin, “Tayong mga Pinoy, mahilig talagang kumain at magluto. Karamihan ng mga magaganda nating memories, umiikot sa pagkain. Nakakatuwang nagiging kabuhayan na natin ang nagpapasaya din sa atin.”

Todo ang suporta ni Marvin sa mga gustong gawing negosyo ang pagluluto kaya kasama ang TV5, nabuo ang konsepto ng Karinderya Wars, ang kauna-unahang luto-negosyo challenge show sa telebisyon.

Ang mga contestant ay kailangang irekomenda o i-nominate ng ibang tao base sa kanilang angking sipag at galing sa pagluluto. Hindi kailangang aral sa pagluluto ang mga maaring nominado.

Dapat above 18 years old ang mga inonominate at kasalukuyang nakatira sa Metro Manila. Madiskarte, masipag at magaling sa pagluluto—iyan ang mga qualities na hinahanap para sa isang kakaibang show mula sa Kapatid Network.

Sa ipapadalang nomination, kailangang ipaliwanag kung bakit nararapat sumali ang mga kandidato sa Karinderya Wars.


Maaring ipadala ang mga nominations via email: karinderyawars@tv5.com.ph. Tatanggap din ng mga nominations sa 1003 10/F Paragon Tower, Reliance St. corner EDSA, Mandaluyong City.

Hanggang March 8 lang tatanggap ng mga nominations para sa bagong palabas ng TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN