Geoff Eigenmann gives his own suggestion on how to end GMA-7's teleserye Forever

(L-R) Geoff Eigenmann, Heart Evangelista, and Gloria Romero topbill GMA-7's Forever.


Sa istorya ng Forever, gumaganap si Geoff Eigenmann bilang si Patrick at papipiliin siya kina Leila, played by Saab Magalona o si Isadora, played by Heart Evangelista.

“Mahirap, e! Kasi si Patrick, he’s a character that really follows his heart. Hindi siya nag-iisip, e," sabi ni Geoff sa isang interview with PEP.ph kamakailan.

“Wala siyang pakialam kung tama o mali yung ginagawa niya, e.

“Basta nararamdaman niya na iyon ang kailangan niyang gawin, iyon ang gagawin niya.

“So mahirap. But ako, I’ve always been ano... kasi, ako, when it comes to love dapat ang heart at 'tsaka ang mind, iisa, e.

“So mahirap talaga. But if I were Patrick and really follow my heart, siguro ipaglalaban ko si Isadora pa rin.

Pagpipilian din sa kanila si Adora, isa nang matandang babae na ginagampanan ni Miss Gloria Romero.

“Kasi, ganoon talaga, that’s what you follow. You need to follow what you feel, so iyon, kahit na siguro matanda.

“Pero yung betrayal in the end, knowing na matanda pala si Isadora, siguro, magsu-suicide na si Patrick,” sabay-tawa ni Geoff.

“Mahirap na yun, e, masyado na siyang nabigo na sa ganoon lang, e.”


DUAL ROLE. May dual role si Geoff sa Forever bilang Ramon at bilang Patrick. Bilang Ramon, kailangang magmukha siyang maitim.

Hindi ba siya nahihirapan kapag pinapaitim siya before the take?

“Mahirap, mahirap actually! Especially pag twice, na both characters in one day.

“Mahirap, kasi kabit-tanggal, full-body makeup, mukha, tapos, kung wala pa akong bigote.

“Kasi si Ramon may bigote, kailangan ding lagyan.

“So mahirap, so siguro, it takes about thirty minutes to forty-five minutes kung nagmamadali...

“Mga ganoon lang, pero kung may time siguro, it takes longer.

“And siyempre mas nakaka-irita, mas matagal tanggalin kasi yung bigote ginu-glue pa nila, so mas hassle—such a hassle.

“Tapos kunyari, Ramon ako. Tapos, pack-up na, kailangan kong mag-stay ng extra hour at least para tanggalin lang.

“Or, I have the option of going home pero ganoon ang itsura ko.

“Doon sa bahay na lang ako maglilinis, so hindi ka makakapagpahinga kaagad.

“So, mahirap... Nakakainis,” ang natatawang kuwento ni Geoff.


STORY ENDING. Kung siya ang tatanungin, paano niya tatapusin ang Forever?

“Actually, napag-usapan namin ito ni Heart one time.

“Maganda yung reincarnation na imbis na ako as Patrick mamamatay at si Isadora will go her separate way also.

“And ako, or kunyari anak siguro namin ni Leila, na puwedeng pangalan Ramon or Isadora.

“And then, she meets someone with that name also, so we’ll reincarnate ourselves into our younger generation.

“Tapos, sila ang magkakakilala, tapos, sa kanila mapu-fullfil yung true love kumbaga.”

Ganoon nga ba ang mangyayari? May input na ba sila sa takbo ng istorya?

“Actually noong birthday ni Heart noong Feb. 14, si Miss Hazel [Abonita, production manager of Forever] was here sa set.

“Tapos, iyon nga, naging option yun.

“Heart brought up the idea to her. Tapos, sabi niya, naisip nga din nila iyon.

“And that’s one of their options for the ending of the show, pero wala pang ano talaga, e, wala pang definite.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN