Sarah Geronimo to be paired with Paulo Avelino in her own drama anthology show

Sarah Geronimo will have Paulo Avelino (left) as her leading man in the pilot episode of Sarah G Presents, her own drama anthology show on ABS-CBN.


Mapapanood muli sa telebisyon si Sarah Geronimo hindi bilang host kundi bilang aktres sa sarili niyang drama anthology titled Sarah G Presents. na mapapanuod isang beses isang Linggo na may iba’t ibang istorya. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph at ilang press na makabisita sa unang araw ng taping ng Sarah G Presents na ginanap sa Quezon City.

Please tell us something about your new show.

Sarah:Sarah G Presents…isa itong drama anthology na may iba’t ibang istorya kada Linggo, at sa una nga naming episode ay makakasama ko si Paulo Avelino na may pinamagatang ‘Sapi-Litan.’

First time mo ba maka-trabaho si Paulo Avelino? How excited you are to work with Paolo sa first episode ng drama anthology mo?

Sarah: “Nag guest na siya sa Sarah G Live pero first time ko siyang makasama sa isang acting project. Siya po rito ang first leading man, excited ako kasi fan din ako ni Paulo Avelino.”

Napapanood mo ba siya sa Walang Hanggan? Anong masasabi mo sa kanya bilang actor and as a person?

Sarah: “Happy ako na Kapamilya na siya. Ang masasabi ko sa kanya bilang actor ay very dedicated sa work niya at passionate, talagang makikita mo sa mga teleseryeng ginagawa niya na talagang todo siya. Magaling siya sa Walang Hanggan, very effective siyang kontrabida. As a person, mukha naman siyang mabuting tao.”

Anong masasabi mo na hindi ka pinababayaan ng ABS-CBN matapos kang mag host at mag perform sa Sarah G Live, ito naman at balik ka sa pag acting?

Sarah: “Siyempre blessed ako, saka thankful ako sa ABS-CBN na nakita po nila yung need ko na bumalik muna sa acting after ng Sarah G Live. Kailangan po kasi may bago tayong mai o-offer sa mga tao.”

Choice mo ba ito or choice ng management na bumalik ka muna sa drama after ng Sarah G Live?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sarah: “Mutual decision po…nakita rin nila na mainam po muna na bumalik ako sa drama.”

Ano naging reaksyon mo na mawawala na ang Sarah G Live na alam naman nating lahat na minahal mo na yung show?

Sarah: “Malungkot siyempre kasi mahal ko po yung show na Sarah G Live, pero nakita ko rin naman na bilang concert performer na nauubos din yung boses ko at kailangan ipahinga.”

Bilang drama anthology ito, ano pa ba ang mga hindi naipapakita ni Sarah sa movie na ipakikita sa bago mong show na ito?

Sarah: “Medyo critical yun kasi nga, dapat mawala na tayo doon sa mga tweetum tweetum roles, yung the usual na nakikita nila na roles ko bilang Laida sa movie. Sana maiba naman dito sa drama anthology na ito.”

Ready ka na ba sa mga more mature roles or more dramatic roles?

Sarah: “Hindi naman tayo magpapaka heavy drama, kasi siyempre pang Maalaala Mo Kaya yun. Kahit medyo gusto ko gumawa ng mga ganung klaseng roles baka naman kasi masyadong mabigat sa mga manunuod. Medyo mga heartwarming na mga stories lang po siguro.”

Ano ang magiging takbo ng istorya n’yo rito ni Paulo Avelino sa first episode?

Sarah: “Yung episode namin ni Paulo ang title ay ‘Sapi-Litan.’ Magkakabarkada kami ni Paulo Avelino, best friend ko yung girlfriend niya na si Jasmine. Parang nung high school days pa namin may feelings na ko kay Paolo. Tapos yung nangyari ay nagkatuluyan yung best friend ko at si Paolo, pero unfortunately bago sila ikasal, na car accident yung bestfriend ko at namatay siya. Siyempre depressing yun sa part ni Paulo, medyo dumating yung point na gusto na niyang mag suicide, di na siya kumakain, di na siya natutulog, tapos parang nakikita nya na sa ‘kin si Jasmin na best friend ko. So, para di matuloy yung pagpapakamatay niya nag panggap na lang ako na ako si Jasmine. Doon na tatakbo yung istorya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo pagka love story pala ang episode n’yo dito ni Paulo, hanggang saan ang kayang ipakita ni Sarah sa love scene n’yo ni Paulo?

Sarah: “Tingnan po natin kung hanggang saan? Kung paano natin mapapaganda yung istorya, kung hanggang saan po ako, tingnan po natin.”

About dun sa movie nyo ni John Lloyd Cruz na It Takes A Man and A Woman, ano ba ang aabangan sa istorya ni Laida at Miggy? May kissing scene na bang makikita ang mga manonood?

Sarah: “Abangan po natin, basta po ang sa amin pinagaganda namin ng maigi yung pelikula.”

May pressure ba kailangan maging box office din ito tulad ng mga nauna?

Sarah: “Siyempre hindi naman namin made deny na may pressure talaga, part yun ng pressure na pinagdadaanan ko ngayon, pero ipagdarasal natin ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN