Cebuana Chadleen Lacdo-o emerges as first winner of TV5's Kanta Pilipinas

As the grand winner of Kanta Pilipinas, Chadleen Lacdo-o won P1 million in cash as well as a recording and managerial contract from TV5.



Ang aspiring singer from Cebu na si Chadleen Lacdo-o ang siyang hinirang na grand winner ng singing reality search ng TV5 na Kanta Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Tinalo ng 18-year old Cebuana ang 23 other contestants na pumasa sa nationwide auditions ng Kanta Pilipinas last year.


Nanalo si Chadleen ng grand prize na P1 million cash, a recording contract and a management contract under TV5.


Ginanap noong Sunday, March 24, ang grand finals ng Kanta Pilipinas. Mga nakalaban nga ni Chadleen sa final judgment night ay sina Ricky Deloviar, Jennifer Nepomuceno at kapwa Cebuana niyang si Thara Jordana.

Naging winning piece ni Chadleen ay ang sarili niyang version ng 1996 ballad/rock hit ng Rivermaya na "Himala."


Isang business administration student si Chadleen sa Cebu at ang kanyang ama ang siyang nag-udyok sa kanya na subukan niya ang kanyang suwerte sa Kanta Pilipinas.


“Malakas ang pakiramdam ng daddy ko that I have a chance—I can win the contest.


“I just took my chance sa audition. Until I made it to the final 24 tapos naging 12 hanggang sa final 4.


“Natupad ang wish ng daddy ko na manalo ako,” masayang kuwento ni Chadleen sa kanyang interview sa new program ng TV5 na News5.


Ang pagiging singer ni Chadleen ay isang malaking milagro kung tutuusin. Sa kuwento ng pamilya ni Chadleen ay pinanganak ito na may cleft palate na hindi na-correct ng husto sa unang surgery nito.


Noong 4 years old si Chadleen, hirap siyang magsalita dahil sa unsuccessful surgery na iyon sa kanyang palate. Pero dahil sa medical mission ng international organization na Operation Smile na dumating sa kanyang hometown in Cebu, isa si Chadleen sa nabigyan ng free operation para maayos ang kanyang palate.


Noong maka-recover na nga si Chadleen at naging successful ang kanyang operation, doon na nagsimula ang kanyang pangarap na maging isang singer.


Hindi ang Kanta Pilipinas ang unang singing contest na sinalihan ni Chadleen. Sumali siya sa Little Big Star ng ABS-CBN Cebu noong 2005 at isa siya sa naging finalists. Nakasama naman siya sa musical drama series na Idol ni Sarah Geronimo.


Hinirang na Singing Ambassadress of Operation Smile si Chadleen dahil sa kanyang magandang life story.


Sa edad na 14, nakapag-perform na siya kasama si David Pomeranz sa Washington DC noong 2007.


Nakapag-perform na rin siya sa Vietnam, Los Angeles, New York, Utah at Australia dahil sa Operation Smile.


Alam raw ni Chadleen na mahuhusay ang makakalaban niya sa grand finals kaya pinagdasal niya na makabigay siya ng magandang performance na ikaka-impress ng mga judges na sina Ryan Cayabyab, Lani Misalucha at Rico Blanco.


Natupad ang pinagdasal ni Chadleen dahil sa unang round kunsaan magpe-perform sila ng isang duet, nagustuhan ng mga judges ang duet niya with Aia de Leon ng classic APO Hiking Society song na "Ewan."


Sa second round kunsaan ay may solo number sila, na-overwhelm naman ang mga judges, lalo na si Rico Blanco, sa rendition ni Chadleen ng "Himala."


“The biggest fulfillment in joining this competition is hearing the judges appreciate my performance.


“Hindi ko makalimutan nung sinabi sa akin ni Mr. Ryan Cayabyab na yung stage daw ay ginawa para sa akin,” masayang sinabi pa ni Chadleen.

Present rin si Lea Salonga sa grand finals ng Kanta Pilipinas kunsaan nag-perform siya with the final 12 finalist ng theme song ng show.


In-announce naman ni Rico Blanco na magkakaroon ng season 2 ang Kanta Pilipinas at tatawagin na itong Kanta Pilipinas World.


Sisimulan na nila ang auditions sa iba’t ibang continents ng mundo at mauuna ang Europe para hanapin ang next batch of promising overseas Filipino singers.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN