Mommy Elvie to be given a tribute in time for Mother's Day this May

Cristina Castillo (in photo) plans to give a tribute to the late Elvira Villasanta, more popularly known as Mommy Elvie.



Bibigyan ng magandang tribute ng businesswoman na si Cristina Castillo ang kanyang yumaong mother-in-law na si Elvira Villasanta o mas kilala ng marami sa telebisyon na si Mommy Elvie.


Sumakabilang-buhay si Mommy Elvie noong nakaraang February 8 sanhi ng sakit nitong breast cancer. Si Mommy Elvie ang ina ng estranged husband ni Cristina, ang komedyanteng si Ariel Villasanta.


Ayon kay Cristina, ipapalabas ang tribute kay Mommy Elvie sa GMA News TV just in time for Mother’s Day sa buwan ng Mayo.


Sa GMA News TV pinalabas ang reality-comedy show ng mag-inang Mommy Elvie at Ariel na Mommy Elvie@18.


Naka-three seasons ang naturang show sa GMA News TV from 2011 to 2012.


“Perfect ang Mother’s Day para maipalabas ang tribute namin para kat Mommy Elvie.


“Marami kaming nare-receive na mga tawag requesting na sana i-replay naman ang mga episodes ng Mommy Elvie@18.


“Marami talagang nakaka-miss kay Mommy Elvie.


“Sa kagustuhan naming pagbigyan ang mga naiwang fans ni Mommy Elvie, gumawa na lang kami ng tribute para sa kanya.


“Pinagsama-sama namin ang ilang mga special episodes ng show tapos may mga interviews mula sa mga taong malapit kay Mommy Elvie.


“Siyempre nandiyan sila Joey [de Leon] at si Eileen [Macapagal-de Leon, asawa ni Joey]. Kapatid ni mommy na si Mommy Emma. At yung mga apo kasama rin. Karamihan din sa mga magsasalita ay yung mga nakasama niya kapag taping ng show.


“Siyempre, kasama na rin ang mga close friends ni mommy, ang barkada niya na Matira Ang Matibang Gang. Magkukuwento sila kung anong klaseng kaibigan si Mommy Elvie,” kuwento ni Cristina nang makapanayam siya ng PEP.ph sa Manila Fame Design Philippines Exhibit sa SMX Convention Center last March 17.



UNAIRED FOOTAGE. Gagamitin rin nila sa tribute ang ilang unaired footage ng Mommy Elvie@18 na sana ay para sa airing ng season four nito.


“May mga hindi naipalabas pang mga episodes na sana ay gagamitin namin para sa 4th season ng show ni mommy.


“Kaso lumala na nga ang sakit ni mommy at pabalik-balik siya ng ospital. Kaya hindi na namin din tinuloy yung season four.


“Bukod nga sa nagkasakit si mommy, may ilang personal ding nangyari sa amin ni Ariel na alam na ng lahat kung ano iyon.”


Pero ngayon ay wala naman daw silang problema ni Ariel at sumang-ayon ito sa planong tribute para sa kanyang ina.


“Noong kinausap naman si Ariel regarding sa tribute kay mommy, walang problema sa kanya. Natuwa naman daw siya dahil hindi raw niya ini-expect na gagawin ko pa iyon.


“Ang sa akin naman, yung nangyari sa amin ay walang kinalaman si mommy.


“Mahal na mahal ko si Mommy Elvie.


“Kahit na nagkahiwalay kami ni Ariel, nagkakausap naman kami parati ni mommy. Nasabi nga niya sa akin na lagi niyang pinagdarasal na maging okay kami ni Ariel.


“Hindi naman siya nakialam sa amin ni Ariel. Gusto lang niya na kahit nagkahiwalay kami, we should be at least, good friends naman.


“Yun naman ang gusto kong mangyari at siguro ay ‘yun din ang hangad ni Ariel.


“Sa pagpayag niya na gawan namin ng tribute si mommy, isang sign na iyon na okay na kami bilang magkaibigan sa pagkakataong ito.”



WEDDINGS AROUND THE WORLD. May sisimulan din ngang isa pang show si Cristina at ito ay ang natagal nang natenggang Weddings Around The World.


“Iibahin na lang namin ang title. Naisip naming title ay I Do.


“Sayang kasi yung effort sa pagbuo namin ng mga episodes. Puwedeng-puwede pa siyang magamit talaga.


“Kahit ako, natatawa sa mga pinaggagawa namin ni Ariel noon.


“Ide-develop pa namin ng husto yung concept para maging masayang show siya.


“Malamang sa June namin iyon ipalabas na tamang-tama lang dahil wedding month ang buwan na iyon sa atin,” ani Cristina.


Bukod sa paghanda sa dalawang shows na ipo-produce niya, abala rin si Cristina sa kanyang furniture business na Muebles de Cristina na nag-exhibit kamakailan sa SMX Convention Center for Manila Fame 2013.


Bagong baby niya ang kanyang furniture business kaya natuwa si Cristina na nabigyan sila ng pagkakataong makasama sa exhibit kunsaan nakilala niya personally ang world-renowned furniture designer na si Kenneth Cobonpue.


Makikita ang ilang furniture designs sa website ng Muebles de Cristina or visit their showrooms sa Makati City at Marikina City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN