Renz Fernandez's character woos Coleen Garcia in Little Champ



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Matapos ang kontrobersyal na break-up nina Coleen Garcia at Gab Valenciano, maugong naman ang bali-balitang si Renz Fernandez na ang bagong nagpapangiti kay Coleen ngayon. Iginiit naman ng dalawa na magkaibigan lang sila. Ngunit may pag-asa kayang mauwi sa pag-ibig ang friendship nila?


"Samantala, humaling na humaling ang karakter ni Renz (Jason) kay Alice na ginaganapan ni Coleen Garcia sa hit fantaserye ng ABS-CBN na Little Champ. Bukod sa pagiging superheroes, paano naman kaya matutulungan nina Caloy o “Super Kidlat” (JB Agustin) at kabayong si Chalk o “Liksi” ang kaibigan nilang si Jason upang mapalapit sa puso ni Alice?


"Mainit namang sinalubong ng mga fans ang child stars na sina JB Agustin at Sofia Millares (Lulubelle) sa ginanap na meet and greet mall tours ng Little Champ nitong Easter Sunday sa Toy Kingdom, The Block, SM City North EDSA; Toy R Us, Robinsons Magnolia; Toy R Us, Robinsons Galleria; at Toy Kingdom, SM Megamall.

"Tunghayan ang kakaibang kuwento ng pagkakaibigan, pamilya at kabayanihan sa Little Champ tuwing hapon bago mag TV Patrol sa ABS-CBN."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN