Eula Valdes excited about working with Gabby Concepcion: “May kissing scene na kami!”

Inamin ni Eula Valdes (right) na noong una’y medyo “weird” para sa kanya na mayroon siyang kapangalan, ang TV5 homegrown talent na si Eula Caballero (left). Magkakasama ang dalawang Eula para sa upcoming fantaserye ng Kapatid network na Cassandra: The Warrior Angel.


Medyo “weird” daw noong una kay Eula Valdes na ang kasama niya sa kanyang unang proyekto sa TV5 ay kapangalan niya: si Eula Caballero.

“Nagulat ako na may Eula Caballero,” pag-amin ng aktres sa presscon nila ni Eula Caballero para sa Cassandra: The Warrior Angel na naganap noong Abril 11, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

“Kapag sa set kami ang magkasama, kapag ang tinatawag Eula, pareho kami [lumilingon]. Kahit kapag may nagte-text ng schedule sasabihin ko, ‘Eula C ‘yong nakalagay, hindi Eula V.’

“Nakaka-ano lang, may pagka-weird.

“Noon ako lang ang Eula, ngayon dalawa na, magkasama pa kami.”

Naibahagi rin ng bagong Kapatid talent kung paano nga ba naging Eula Valdez ang kanyang screen name.

Kuwento niya, “Ah, ang real name ko is Julia, pero ang nickname ko talaga Eula.

“Ah, when I first started sa Viva Films, tinanong nila ako anong gagamitin kong name. Sabi ko Julia na lang, sabi nila medyo may pagka sophisticated daw kasi fourteen lang ako no’n.

“So naisip nila na gamitin ang nickname ko na Eula.”



PAIRED WITH GABBY CONCEPCION. Isa pang ikinakatuwa ni Eula ay magiging leading man niya ang “crush” niya noong kabataan niya na si Gabby Concepcion.

“Niloloko ko nga siya, kasi sabi ko isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nag-artista,” pagbabahagi niya.

“Kasi no’ng time na sila ni William Martinez ‘yong sikat na sikat, high school ako no’n, sila ‘yong crush ko. Sinabi ko nga sa kanya na noong araw pinapanood ko lang siya.”

“This time nahalikan ko na siya! May kissing scene na kami!” natatawang sinabi ni Eula sa press.


SEQUEL OF THIRD EYE. Samantala, ibinahagi naman ni Eula Caballero kung paano magiging sequel ng horror series na Third Eye ang bagong project niya na Cassandra: The Warrior Angel.

“Bale dito po sa Cassandra the Warrior Angel, malalaman na nila kung bakit ako nagkaroon ng kapangyarihan, malalaman ‘yong pinagmulan ko,” pagsisimula ng batang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sa Third Eye po pinakita lang na lumaki ako sa lolo ko, pero wala [sinabi] kung bakit gano’n ‘yong kapangyarihan ko.

“Uhm, produkto ako ng ano? Ano ‘yong pinagsamang kapangyarihan para magkaroon ako no’ng kapangyarihan ko.”

Naibahagi rin ni Eula Caballero na mayroon siyang bagong leading man na kailangan abangan ng mga manonood.

Mababawas man sa kanyang makakapareha si Daniel Matsunaga dahil sa bagong project na gagawin nito, dadagdag naman kay Victor Silayan ang isa pang Kapatid actor na si JC de Vera, ang at pinakabagong TV5 artist na si Albie Casiño, na dating talent ng ABS-CBN.


ACTING TIPS. Dumako naman ang usapan sa opinion ni Eula Valdez sa acting skills ng kanyang anak sa fantaserye na si Eula Caballero.

Hindi pa raw nakagawa ng eksena na magkasama ang dalawang Eula, pero sinabi ni Eula Valdez na “ako naman po akong ano sa pakikipagtrabaho sa mga bagong artista, dahil once naging baguhan din po ako.

“Regarding po sa performance niya, I’m taking the words of Direk Eric Quizon at ibang directors namin na sinabi naman niya na magaan naman katrabaho si Eula.

“Nagbibigay din… hindi naman na daw ako mahihirapan. Basta sinabi niya na magaling daw umarte si Eula.

“So I’m taking his word on that.”

Dagdag pa nang dekalibreng aktres, “Hindi rin naman siguro siya bibigyan ulit ng TV5 kung hindi siya nakakasunod.”

Ito naman ang acting tip ni Eula Valdes para kay Eula Caballero: “Maging sincere lang. Kasi doon nararamdaman ng tao kung pine-fake mo ‘yong arte mo or kung sincere ka sa ginagawa mo.

“Kailangan maramdaman niya ‘yong karakter niya, namnamin niya ‘yong mga linya, ‘yong role niya, ‘yon lang.”

Ang tentative airing date ng Cassandra: The Warrior Angel ay sa May 6 sa ganap na 7 ng gabi sa primetime block ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN