Ogie Alcasid on his rumored transfer to TV5: "Honest answer: I really don't know."

Ogie Alcasid is set to host a new kiddie game show on GMA-7 titled Bonakid Pre-School Ready Set Laban. It will start airing this Saturday, April 20.


Nakakaintrigang sabay na magtatapos ang bagong show ni Ogie at ang kontrata niya sa GMA-7 sa buwan ng Hunyo. Tuloy na nga kaya ang paglipat ng singer-composer-actor sa TV5? "Honest answer: I really don't know," wika niya.

Inilunsad noong Biyernes, Abril 12, ang bagong TV project ni Ogie Alcasid sa GMA-7: ang Bonakid Pre-School Ready Set Laban.

Isa itong game show kunsaan tampok ang ilang pares ng celebrity kids at mommies, at pati ilang contestants na nag-audition para sa programa noong Marso 15.

Si Ogie ang magsisilbing host ng show na mapanood simula April 20, Sabado, bago mag-Eat Bulaga.

Sa presscon at set visit na naganap sa GMA-7 Studios, ibinahagi ng OPM hitmaker kung gaano siya kasaya at kung bakit nag-e-enjoy siyang gawin ang show na ito.

"Kapag nakikita ko iyong galak ng [mga bata], kahit hindi sila nanalo, pero when they're enjoying the game, ano iyon, e... it's wonderful to see.

"And even before the games starts, even before the show starts, they're all excited. The energy is really good, so iyon talaga iyong gustung-gusto kong makita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kahit na alam kong trabaho ito, I enjoy it because when I see the kids [na happy]."

Natutuwa rin umanong makipag-bonding si Ogie sa mommies na sumasali sa show.

"I talk to them, 'O, kumusta iyong mga anak ninyo?'

"Kasi I have a one-year-old [son], so tinatanong ko kung gaano kalikot... so, I try to bond with them."

Kahit umano may dalawa na siyang anak na babae— sina Leila at Sarah, na pawang mga dalagita na— sa dating asawang si Michelle Van Eimeren, "Siyempre sinasariwa ko iyong aking knowledge sa mga babies," wika ni Ogie.

"Soon, Nate will be 2, 3, 4, 5... and I have to go through it again, so doon ako nag-e-enjoy."

ON HIS RUMORED TRANSFER. Maraming members of the press ang naintriga nang malamang walong linggo lamang ang itatagal ng Ready Set Laban sa ere.

Kung susumahin, matatapos ito sa kalagitnaan ng Hunyo— ang parehong buwan kung kailan nakatakdang mag-expire ng kontrata ni Ogie sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito kaya ang dahilan kung bakit maiksi lamang ang itatakbo ng programa?

Ayon sa senior product manager ng Bonakid Pre-School na si Aubrey Iñigo, wala naman umanong kinalaman ang duration ng programa sa kontrata ni Ogie sa GMA.

"It coincides with a marketing campaign," wika niya.

Sinagot din naman ni Ogie ang katanungan tungkol sa matagal nang bali-balita tungkol sa paglipat niya sa TV5.

"Honest answer: I really don't know," ani Ogie.

"My contract is going to end in June, and until then... I don't know what's going on.

"But while it's going on, I'll stay with GMA."

Ano nga ba ang plano niya? Itutuloy ba niyang lumipat sa Kapatid network?

"Wala pa, e. I'm still here. I'm still a Kapuso," matipid na sagot ni Ogie.

May progress na ba ang napapabalitang negotiations tungkol sa kontrata niya?

"Wala pa. Nothing's happening. Non-existent, period," ang malamang sagot niya.

BUBBLE GANG COMPETITOR? Samantala, sa sit-down interview ng mga press kay Ogie matapos ang presscon, natanong siya tungkol sa bali-balita na gagawa raw siya sa TV5 ng isa ring comedy show na makakatapat ng Bubble Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Bubble Gang ng GMA-7 ay ang tinaguriang longest-running gag/comedy show sa Philippine television.

Mula 1995, kabilang na sa cast nito si Ogie, kasama ang malapit na kaibigang si Michael V.

Naging seryoso ang mukha ni Ogie habang pinakikinggan ang tanong ng press at sa huli, nang tanungin kung totoo nga ba ito, ito lamang ang nasabi ng singer-composer-actor: "Hindi ko siguro gagawin iyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN