Arjo Atayde narrates how he developed his "iyakin" skills


Naging popular noon ang Dugong Buhay, ang komiks na ginawa ni Direk Carlo J. Caparas na ginawang pelikula noong 1983. Si Bong Revilla Jr. ang gumanap na bida sa naturang proyekto sa big screen.

Ngayong 2013, napapanood na sa ABS-CBN Kapamilya Gold ang action-drama series na Dugong Buhay. Ito ay pinagbibidahan nina Carlo Aquino, Nonie Buencamino, Sunshine Cruz, Christian Vasquez, Arjo Atayde at Ejay Falcon.

Ang Dugong Buhay ay tungkol sa paghihirap na dinadanas ng mga sakadas (farm workers). Ang kanilang tintuturing na lider ay ang batang Simon (portrayed by Carlo Aquino) na nakaranas ng kalupitan mula sa pamilya ng mga De Lara.

Namatay ang asawa at anak ni Simon dahil sa kaguluhan na nangyari sa labas ng mansion ng mga De Lara.

Dahil sa masidhing galit na kanyang bitbit mula noong kanyang pagkabata, gagamitin ni Simon (now portrayed by Nonie Buencamino) ang sariling anak na si Victor (Ejay Falcon) upang mapagtagumpayan ang balak na pabagsakin ang mga tao na umalipusta sa kanyang pamilya.

Sa presscon ng programa ay nagkaroon ng pagkakataon ang ilang press people na makapanayam si Arjo Atayde tungkol sa big break na ibinigay sa kanya ng Kapamilya Network bilang isa sa mga bida ng nasabing teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong feeling mo na nabigyan ka ng ganito kalaking break sa teleseryeng Dugong Buhay?

“First, siyempre overwhelming. Kahit sino naman ang mabigyan ng break in a span of one year and two months in this industry, malamang ma-overwhelm ka and ma pressure.”

Before this project gaano katagal bago dumating ang project na ito sa iyo?

“Ang tagal, ang tagal kong nawala kasi I prepared for this one ng ilang buwan. Last ko ay E-Boy na teleserye. Then, the last time I did was MMK [Maalaala Mo Kaya] and that was last year pa. Few months back pa pala recently I did also a MMK, yung kina Erik Santos.”

Noong in-offer sa ‘yo yung project na ito ano yung unang naramdaman mo?

“Sobrang overwhelmed talaga! Hindi ko ini-expect talaga. Ini expect ko talaga siguro I will get this role about four or five years pa tapos biglang dumating sa akin. Kaya ang laking pasasalamat ko sa ABS-CBN na pinagkatiwalaan nila ako sa proyektong ito at naniwala sila sa capabilities ko as an actor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang dami daming bagong artista ang ABS-CBN, sa palagay mo ano ang edge mo sa kanila kung bakit ibinigay sa 'yo ang project na ito?

“What makes me different is: my personality!”

Ano bang personality mo?

“Makulit ako eh! Aside from that…di naman sa pagyayabang…siguro I consider my self as a good dramatic actor. Siguro po yun ang edge ko.”

Mai- ko consider mo rin ba na isa sa mga edge mo rin ay anak ka ng isang Sylvia Sanchez?

“Of course, hindi naman po mawawala yun. Alam naman nating lahat na ang mom ko bilang magaling na actress ay respetado ng mga tao. Siguro kung paano nila nirerespeto ang mom ko, ganun din yung respeto nila sa akin bilang actor kaya I’m very thankful that I have my mom like Sylvia Sanchez.”

Iniisip mo ba noong nagsimula ka pa lang na umaarte bilang actor na mararating mo ito?

“In one year and two months…No! Not at all…di ko talaga ini-expect na ganun kabilis yung process. Pero I’m very thankful sa path ng career ko di ba…kasi given this opportunity…given this big, big, big break.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natatandaan ko nga po nung makatanggap ako ng award for being New Male TV Personality galing sa PMPC [Philippine Movie Press Club]. Naging pressure sa kin yung award na yun… di naman pala pressure but it became a motivation for me to prove my worthy being the New Male TV Personality.”

Ano ba yung gusto mong tahakin sa career path mo after ibigay sa iyo itong big opportunity na ito sa career mo?

“Kung saan man ako naka stand ngayon, I’m very thankful. Bida man or kontrabida, doesn’t matter as long as ma i-prove ko yung worth ko as an actor at magustuhan nila itong aming teleserye. You get what you deserve. Wherever I stand, I believe that I deserve it.”

Ano ang advice ng mom mo nang nalaman niya na makakasama ka sa Dugong Buhay?

“Advise niya…sabi nya lang, ‘Connect to your co-artists. Huwag mong kalimutan magbigay irespeto to everyone.’ Which I think nagagawa ko naman po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong bata ka pa lang ba pinapanood mo si mommy na umaarte? Pinangarap mo rin bang maging artista na katulad ng mom mo?

“Noong time ng Esperanza pa lang, pinapanuod ko si Ate Juday [Judy Ann Santos] na umarte. Alam mo yun….di ba iyakin siya dun. Pag uwi ni mommy from taping, kinukuha ko sa kanya yung script niya, ginagaya ko yun, kung paano siya umiyak. Eventually, doon ko siguro na develop yung iyakin skills ko.”

Ano ang role mo sa Dugong Buhay?

“Ako po rito si Rafael De Lara. Yung De Lara Family po ay isa sa mga respected family in the province. Isang playboy, happy-go-lucky type of guy. Saka isang spoiled brat pero marunong naman na makisama na tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN