It's Kristine Hermosa vs. Yasmien Kurdi as afternoon drama princess


Kristine Hermosa's (right) afternoon soap opera, Prinsesa ng Banyera, will premiere tomorrow, October 8 on ABS-CBN. It will directly compete with Yasmien Kurdi's Pasan Ko ang Daigdig on GMA-7.



Ang mga "pulubi" at mga "palengkera" ang magtutunggali simula noong Lunes, October 8.

Nag-pilot noong October 8 ang unang afternoon soap ng ABS-CBN in a long time, ang Prinsesa ng Banyera. Tampok dito ang Star Magic Primetime Princess na si Kristine Hermosa, at ang isa sa mga bagong torchbearer ng Star Magic and recent Gawad Urian Best Supporting Actor Rafael Rosell, kasama sina Angelika dela Cruz at TJ Trinidad.

Matagal-tagal na ring hindi sumasabak sa panghapong drama ang ABS-CBN kung kaya't matagal na ring hawak ng GMA-7 ang afternoon block. Sixteen seasons na ang Daisy Siete and still going strong. Bago nagkaroon ng Sine Novela ang Kapuso network, mayroon itong soap opera mula sa TAPE Inc. na madalas pagbidahan ni Oyo Sotto, ang Now and Forever na umabot ng eight seasons.

Mga lumang pelikula at canned soap naman ang kadalasang pantapat ng ABS-CBN sa afternoon programs ng GMA-7 kaya't first time itong isang afternoon soap ang ilalaban nila sa nakapader nang Dramarama sa Hapon ng Kapuso Network.

Ngunit hindi ang Daisy Siete ang direktang makakalaban ng Prinsesa ng Banyera, kundi ang Pasan Ko ang Daigdig nina Yasmien Kurdi at JC de Vera.

Ang last thirty minutes ng Wowowee ni Willie Revillame ang katapat ng Daisy Siete ng SexBomb. Pagkatapos ng Wowowee isasalang ang Prinsesa ng Banyera kung kaya't ang Pasan Ko ang Daigdig na ang makakatapat nito.

Mga "pulubi" sina Yasmien at JC sa Pasan Ko ang Daigdig at mga "palengkera" naman sina Kristine at TJ sa Prinsesa ng Banyera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN