Is Daniel Padilla willing to remake Pangako Sa 'Yo?


Malayo na ang narating ni Daniel Padilla dahil bukod sa pagiging popular niya sa telebisyon ay tinatangkilik ng mga tagahanga niya ang kanyang album. Sa katunayan, ang kanyang debut album ay nagkaroon ng Platinum Record award almost three months pagkatapos itong ilaunch sa record bars.

Nang makausap siya ng members of the press kamakailan, nagsalita si Daniel tungkol sa pagkukumpara sa kanya sa Hollywood singer na si Justin Bieber.

Sinasabi nilang ikaw daw ang Justin Bieber ng Pilipinas. Ano ang reaction mo dun?

Daniel: “Malayo ako kay Bieber ‘no! Di ko naman siya hate, pero di ko lang siya gusto. may mga tao naman tayo hindi iniidolo. Alam nyo naman ako, kung ano yung music ko. Lumang tao talaga ako…what I mean, e, mas gusto ko yung mga lumang kanta, yung mga rock music.”

Ang genre mo ay rock, anong feeling mo pag pinakakanta ka ng mga ganung klaseng kanta [Justin Bieber]?

Daniel: “Na o-off ako sa ganun, e."

Sino ang mga musicians na idol niya?

Daniel: "Sa local, Eraserheads, Rivermaya, idol ko talaga. Sina Bamboo, [Rico] Blanco. Sa foreign, Oasis, Beatles, marami."

May napapabalitang i-re-remake daw yung Pangako Sa ’Yo na kayo daw ni Kathryn ang gagawa? Anong masasabi mo doon?

Daniel: “Hindi ko pa alam, e. Wala pa akong alam. Ni-remake lang naman namin yun sa summer station ID ng Pangako Sa ’Yo, pero dun lang yun.”

How does it feel na kayo ni Kathryn Bernardo ang gumanap na parang Jericho Rosales at Kristine Hermosa (stars ng Pangako Sa ‘Yo) sa summer station ID ng ABS-CBN?

Daniel: “Oo naman, very honored, alam naman natin kung gaano kaganda yung Pangako Sa ’Yo. Tingnan n'yo nga, ang bata ko pa pero alam ko na yun, di ba?

Kung sakali nga ipa-remake sa inyo ni Kathryn yung Pangako Sa ’Yo, tatanggapin mo ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Daniel: “Oo naman, bakit naman ako hihindi? Salamat kung sa akin ibigay yun, pero kung ibibigay din sa iba, okay lang din naman.”

Isa rin ba sa mga pangarap mo yan na makakuha yung ganyan kalaking proyekto?

Daniel: “Oo naman, di ba? Hindi naman siya pangarap, pero malaking karangalan sa kin yun, kasi Pangako Sa ’Yo yun, di ba? Kung sa’yo ibibigay… galing kay Jericho…Woooh! Thank you very much.”

Kamusta na yung movie nyo na Kuratong Baleleng? Patapos na ba?

Daniel: “Nahinto yung shooting kasi medyo na busy, pero nag usap usap na kami nina Erpat [referring to his father Rommel Padilla], ayun ibabalik na namin yung shoot. Naghahanda na kami, pero aayusin pa lang namin ngayon. Okay naman nung pinanood namin, pero si Tito Robin, mas may nakita siyang na mas magandang pwedeng mangyari. Kaya uulitin namin. May balak din kasi yatang ipalabas sa ibang bansa yung movie, e, kaya mas pagagandahin.”

Kasama n’yo ba si BB Gandanghari sa movie na ito?

“Hindi ko alam, e, hindi ko pa sure.”


Parang lagi ka na lang kinukumpara sa Tito Robin Padilla mo. Conscious effort ba para sa iyo na makaalis sa shadow ng Tito mo? O okay lang ba sa iyo na gayahin mo siya?

Daniel: “‘Di ko naman ginagaya pero okay lang yun. Kumbaga, compliment yun, di ba ho? Robin naman yun…bakit mo naman idi-deny si Tito Robin yung kinukumpara sa ’yo o kung sinuman. Salamat na lang din dun, basta ako, ayoko din naman nung parang maging kumbaga, Robin na lang din talaga ako tumayo. Gusto ko din naman maging Daniel din, kumbaga ako yung iniisip.”



Anong pakiramdam mo ngayon kasi ang mommy mo na si Karla Estrada nag-launch din ng album niya?

Daniel: “Oo, nakakatawa nga. Nakakatuwa kasi pati ba naman si Ermats (laughs) di ba? Ako pa kakalabanin. Hindi, pero ano, nakakatuwa din si Ermat [referring to his mother], nakaka-proud talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi mo kanina na madami kang napagdaanang hardship at challenges sa buhay bago mo narating ang ganitong tagumpay, pwede mo ba i-share sa amin ano yung mga hardship at challenges na yun?

Daniel: “Medyo dumaan kami sa hirap, hindi lang pala talagang medyo, actually talagang naghirap kami before, at nakita ko yung totoong hirap. Hindi yung hirap na basta hirap lang. Hirap talaga! Saka nakita ko na namulat ako doon sa hirap ng buhay ngayon, pero challenge, e. Kumbaga, lahat naman yun ay pagsubok lang sa buhay, lahat tayo ay dumadaan doon. Hindi man katulad ng dinanas ng katulad nung dati sa amin pero iba iba yung sa karanasan ng iba’t ibang tao. Pero nalalagpasan naman naming lahat yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN