Mike Tan portrays a hitman in the election docu-film Landas


Excited si Mike Tan para sa ginawang proyekto sa GMA News and Public Affairs, ang election docu-film na Landas. Ipapalabas ito ngayong Linggo, May 5, sa ganap na 10:30 ng gabi.

Bagamat tungkol sa eleksiyon ang Landas, hindi raw ito part 2 o continuation ng Bayan Ko, na pinagbidahan naman ni Rocco Nacino.

Mga tao sa likod ng mga pulitiko raw ang Landas ayon kay Mike nang makausap namin kahapon, May 1, sa isang restaurant sa Tomas Morato.

Ayon kay Mike, “Ang pangalan ko rito ay si Jay. Siya yung taong ang pakiramdam niya, wala na siyang option sa buhay. Kung ano lang ang dumating, yun na ang gagawin niya. Parang nasubukan na niyang lahat ng trabaho. Hanggang sa yun, magit hitman siya ng Mayor.”

Hindi talaga siya follow-up sa Bayan Ko?

“Hindi, hindi talaga. Ang ipinakita rito, yung Mayor, may galamay at ako yung hitman ng Mayor.”

Gaano siya kasaya na siya ang naging bida sa Landas?

“Actually, sobrang excited ko dito sa proyektong ito. Kaming dalawa ni Chynna Ortaleza. Oo, pag-arte rin siya, pero dito iba ang challenge sa akin ng project na ito. As much as possible, kailangan kong maging natural. Kailangan kong hindi umarte.

“Kailangan kong maintindihan ang buhay ng tao sa gilid ng riles at kung gaano kahirap. Sa totoo lang, nakakatakot.”

Paano ang naging paghahanda niya, nagpunta ba siya mismo sa mga lugar na yun?

Sabi naman ni Mike, “Sa akin, walang problema kasi, alam ko naman na ang mga lugar na yun, e. May mga kaibigan akong mga taga-roon. May mga kaibigan akong taga-riles. Nakakatuwa lang din kasi, yung working relationship namin ng mga staff hanggang sa director, nagtutulungan talaga kami.

“Yung pinaka-challenge nga sa akin rito, kung paano mo maipapakita sa tao ang buhay ng mga tao. So far, ang pagkakaintindi ko rito at pagkakaalam ng mga tao ay yung maalwa na buhay lang. Lalo na pagdating ng eleksiyon.

“Pero ang hindi natin nakikita, kung gaano kahirap ang buhay ng iba sa atin, kung paano sila nag-struggle. Yun ang pagkakaintindi ko sa proyektong ito.”

Bakit nga ba kailangan ipalabas ang mga ganitong programa bago ang eleksiyon lalo na’t kuwento naman pala ito ng mga tao sa likod ng mga pulitika?

“Para maliwanagan ang mga tao kung ano ang tama. Para maging mapili sila at matalino sa pagboto. Kasi, ipinakita namin dito na kung yung desisyon mo, e, yung binili lang din ng pulitiko, hindi magbabago ang buhay mo, nandiyan ka pa rin.

“So, kailangang pumili ng tama. Hindi dapat magpabayad. “

Ayon kay Mike, mula noon pa ay pina-praktis na ang pagboto. Isa raw siyang botante sa Rizal.

Ani Mike, “Bilang Filipino, karapatan natin yun. Actually, hindi natin karapatan yun, obligasyon natin bilang Filipino.”

Naging malinaw naman daw kay Mike nang tanggapin niya ang Landas na bawal na siyang tumanggap ng anumang raket sa mga campaign sorties o kahit mag-endorso ng kandidato.

“Yes, naintindihan ko naman agad yun at saka, alam ko rin naman,” saad niya.

Kung tatanungin siya, worth it ba na ginawa niya ang isang oras at kalahating docu-movie kapalit ng posibleng mga kikitain niya sana sa campaign?

“Worth it,” mabilis namang sagot niya.

“Yung perang kikitain mo kapag inendorso mo sila, ang kapalit naman non, kaliwanagan ng mga tao sa makakapanood, e. At saka, yung proyektong yun, sobrang saya ko noong makuha ko. Alam ko na iba siya.

"Matagal ko nang gustong mag-trabaho rin sa News [and Public Affairs]. Ang mga katrabaho mo, iba rin, ibang acting din. Sa totoo lang, masaya ko. Ibinigay ko lahat doon. Kasi, hindi ka umarte ron. Kailangan hindi ka maging oa, kailangan, lahat totoo, lahat normal, natural.”
Kinamusta naman namin si Mike kung hindi ba siya na-pressure dahil nanggaling din sa News and Current Affairs ang Bayan Ko na nagkaroon ng magandang feedback ang manonood dito at marami rin ang nagkagusto sa ipinakita ni Rocco Nacino.

Ayon naman kay Mike, “Wala, walang pressure. Kasi, ang Bayan Ko, matagal siyang umere. Kami naman, isang gabi lang. Sa Sunday night siya, time-slot ng SNBO.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN