Luis Alandy and Jaclyn Jose's characters deal with P14M jackpot in Magpakailanman



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


"Ngayong Sabado (May 4), ibabahagi ng Magpakailanman ang kuwento ni Dionie Reyes, isang lalaking naghangad ng magandang buhay para sa kaniyang pamilya, ngunit nang manalo ng P14M jackpot sa lotto ay inubos ang perang nakuha sa loob ng tatlong buwan.

"Itinatampok si Luis Alandy bilang Dionie Reyes at multi-awarded actress Ms. Jaclyn Jose bilang Minda, ang asawa ni Dionie. Kasama rin sina Dexter Doria, Jay R at Karen delos Reyes.

"Ano ang halaga ng tunay na pag-ibig? Masusukat ba ito sa antas ng pamumuhay? Sa dami ng pag-aari? Malalagyan mo ba ng presyo ang nararamdaman mo para sa isang tao?

"Magsisimula ang kuwento ni Dionie sa kaniyang panliligaw sa asawang si Minda, isang babae na 14 years ang tanda sa kaniya. Hindi iindahin ni Dionie ang mga panunukso at panunutsa ng ibang tao, bagkus ay ipaglalaban pa niya ang pagmamahal sa babae.

"Ngunit mag-iiba ang lahat ng ito nang manalo siya ng jackpot. Lahat kasi ng tao ay magbabago ang pakikitungo kay Dionie, maliban kay Minda. Mananatili itong voice of reason sa mundo ni Dionie na nadala ng mga pangako ng kayamanan. Dahil dito, magkakaroon ng lamat ang pagsasama nina Dionie at Minda.

"Unti-unti ay mababago ng kayamanan ang ugali ni Dionie, at unti-unti ring lalayo ang lalaki sa babaeng pinangakuan ng habang-buhay na pagmamahal. Malalapit si Dionie sa mga taong walang ibang nais sa kaniya kundi ang perang kayang ibigay.

"Ngunit paano kung ang mabilis na nakamit na kayamanan ay mabilis ring mawala sa mga kamay niya?

"Sa pagtuklas ni Dionie kung sino ang tunay niyang mga kaibigan, sino na lang ang malalapitan niya sa panahong siya na ang nangangailangan?

"Mula sa mahusay na direksyon ni Ricky Davao, sundan ang kuwento ni Dionie Reyes ngayong Sabado sa Magpakailanman - Nasayang na Jackpot: The Dionie Reyes Story, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN