Mommy Elvie (A Mother’s Day Special) will air on May 4


May mga nangungumbinsi kay Cristina Decena na pasukin ang pulitika.

“Marami kaya lang sabi ko puwede naman akong tumulong sa ibang paraan, di ba? Sa paraang hindi masyadong magiging magulo ang buhay ko tapos makakatulong pa ako ng mas mabuti na wala akong vested interest, na gusto ko lang tumulong.

“Napakasarap kasi ng pakiramdam na tutulong ka na wala kang iniisip na kapalit, kaya sabi ko tutal nasa Rotary Club naman kami at saka eversince talagang meron akong foundation, ganun na lang.

“Maraming kumukumbinsi pero ayoko,” pahayag ni Cristina.

Masaya na rin daw siya na sumusuporta sa ibang nasa pulitika, tulad ni Bulacan Vice-Governor Daniel Fernando

This led us to ask Cristina kung bakit sila nali-link ni Daniel.

“Hindi naging kami, kaibigan ko lang si Daniel.

“Di ba taga-Bulacan ako, may eskuwelahan kami sa Bulacan, meron din akong ilang pag-aari sa Bulacan. At nasubaybayan ko naman yung mga proyekto niya doon.

“Mabango ang pangalan ni Daniel, e, maraming nagmamahal sa kanya doon.”

Nakunan diumano sila ng litrato na pinupunasan niya ng pawis si Daniel sa isang kampanya nito; nilinaw ito ni Cristina.

“Hindi totoo yun! Never akong sumama sa kampanya niya. Kaya lang may time na may gusto akong bilhin na factory sa Bulacan, sa Guiguinto na kung saan doon din siya nakatira sa lugar na iyon.

“So may gusto akong bilhin pina-check ko sa kanya kung maganda ba ang peace and order sa lugar na iyon, kung hindi ba binabaha.

“Highly recommended naman niya, na maganda daw. So nung pinuntahan ko, para bang, dahil alam na dun sa lugar na yun na dadating ako, so lahat ng mga pupuwedeng pagdaan ko, para clear na.

“So pupuwede ko ng pasukin agad yung factory, tapos nakatimbre na doon sa baranggay captain na dadating ako, ganun.

“Sumama siya, andun siya.”

Baka doon may nakakita sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagay ko. Pagdating ko nandun na siya, e.”

Hindi raw niya pinunasan ng pawis si Daniel.

“Hindi naman kaya lang dahil tumutulo yung pawis niya, tumutulo yung pawis ko, parang, inabot niya yung panyo niya sa akin, parang ganun.

“Pero hindi niya ako pinunasan, inabutan lang niya ako ng panyo,” ang natatawang sinabi ni Cristina.

Isa pang isyu about her ay ang pagpapatigil na niya sa isang male star na sinubukan siyang ligawan.

“Wala ano, kinausap ko, na walang aasahan.

“Nag-stop naman siya kasi sinabi ko na ayoko na muna ng serious relationship at saka naiilang yung mga bata. Everyime na nakikitang nandiyan siya, yung mga anak ko parang ninenerbiyos.

“Ayoko namang ganun ang pakiramdam ng mga bata, di ba?

“Yung pag nakakakita ng manliligaw sa akin parang takot na, parang sila pa yung unang nagka-trauma sa akin, e.”

Hindi raw sila nagkikita lately ng ex-husband niyang si Ariel Villasanta. Huli raw silang nagkita ay sa last night ng lamay ng ina ni Ariel na si Mommy Elvie Villasanta.

“Okay naman, nagbabatian naman kami. Yung mga anak ko kinakamusta niya kung ano’ng nangyayari. Pag nagkikita kami civil naman kami kaya lang, para ibalik pa yung lahat ng mga nakaraan, dapat kasi move on na e, di ba?

“Pero magkaibigan naman kami. In fact sabi nga niya sa akin pag kailangan siya ng mga bata at meron siyang maitutulong.

“Kasi nung debut ng anak ko, siya yung punong-abala. Sa susunod naman daw ulit na magde-debut naman yung bunso kong anak, siya rin daw ang magiging punong-abala.

“Kasi very creative si Ariel e, sa kanyang larangan, kaya willing daw siya ulit na tumulong sa amin.

“Ako din ipinahatid ko sa kanya na kung anuman ang maitutulong ko sa kanya.”

Kahit hiwalay na sila, tuloy rin ang airing ng Mother’s Day special bilang tribute para kay Mommy Elvie. Ipapalabas ito on May 4, produced ng AVP Inc. in cooperation with RedAnts Media nina Cristina at Ariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mommy Elvie (A Mother’s Day Special) will air from 11am to 12nn on May 4, 2013 on GMA News TV.

Walang epekto sa production side ng show nila ang hiwalayan nila.

Hindi pa raw sila ulit nagkaharap ni Ariel sa mga production meetings for their show.

“Nung magkaroon kami ng production meeting bale ang nag- uusap lang si direk [Aleah Aliporo-Eugenio], ako si Doc [Gamboa, executive assistant ni Cristina] tapos kung ano yung napag-uusapan namin nire-relay kay Ariel.

“Hindi na siya nagpupunta, nagkakaron sila ng ibang meeting na magkabukod ng araw sa akin.”

Parte pa rin ng production si Ariel.

“Oo naman kasi yung ilalabas naman natin, Mommy Elvie di ba, sila pa rin naman yun.”

Pero sa bagong show na produced ni Cristina, ang I Do, na tungkol sa iba’t-ibang uri ng kasal at relasyon na eere sa Hunyo ay hindi na kasali si Ariel.

“In fact sa I Do pag nag-air yun, iba na ang pangalan ng production, ano na siya, CBC Production. Cristina B. Castillo Production.

“Kasi dito sa Mommy Elvie ang ginamit ko yung Ariel Villasanta Productions pa, e.”

Mas kilala siya ngayon bilang Cristina Castillo.

“Kasi yung Cristina Castillo, iyon yung aking legal name,

iyon kasi yung legal name ko na ngayon.”

Wala ng Decena?

“Kasi yung mga tao kilala ako as Decena, pero sa lahat ng mga letters, mga papeles iyan, Castillo na.

Apat na anak na niya ang naka-graduate na at ang bunso niyang anak ay first year college ngayon.

May bag business rin siya na puro branded.

“Ano yan, yung mga collection ko na personal bags. Kasi everytime na bumibiyahe kami ng mga anak ko abroad, bili lang kami ng bili.

“Tapos nung nakita ko, ang dami-damai na pala, so nakagawa tuloy kami ng dalawang tindahan.

“Halos lahat naman ng binbenta namin mga personal naming koleksyon. Di ba ang personal na koleksyon mo puwede mo namang ibenta dahil sa iyo naman yun so wala namang naging problema doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN