Eula Caballero: "Wala po talagang favoritism sa TV5.”


Matinding preparasyon ang ginawa ni Eula Caballero para mas maging epektibo siya sa pagganap sa Cassandra: Warrior Angel, ang biggest break niya sa telebisyon sa kasalukuyan.

Aminado siyang maraming action scenes sa programang ito ng TV5, kaya kabilang ang pisikal na paghahanda sa mga pinagtuunan ng pansin ni Eula upang higit na maging makatotohanan ang kanyang pagganap dito.

“Todo training po talaga, kasi action talaga siya e. Ang importante sa action, hindi lang ‘to puro arte, kailangan talagang may skills ka,” panimulang saad ni Eula nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa TV show na Ang Latest sa TV5 Studio sa Novaliches, Quezon City.

“Dapat alam mo talaga yung mga stunts mo, yung mga fight scenes mo.

“So far, sa mga tinake namin, wala, hindi pa ako nagpapa-double. Siguro, kung sobrang risky na talaga yung eksena, siguro dun [ako magpapa-double].

“Pero so far, I do all my fight scenes, my action scenes, my stunts… I do everything just to give a very good show, something that everyone will look forward to.

“Story-wise, wala akong masasabi, napakaganda ng pagkakabuo ng Cassandra: Warrior Angel. It’s a very cute story na pambata, pampamilya, panglahat po talaga. So, I can see that the show can be very successful kapag tuloy-tuloy lang din ang group effort, best effort,” mahabang dagdag ng grand winner ng Star Factor noong 2010.

Pahabol pa ni Eula, “So, kahit gaano kahirap, dahil may training pa kami sa arnis, may Muay Thai pa kami… Lahat talaga ng nakakatakot, pinagsama-sama sa show na ito, pero I’m very eager, I’m very eager sa mga susunod pang ipapagawa nila sa akin.”

Aminado ang 17-year-old actress na may trauma siya sa madugong aksidente dahil sa insidenteng nangyari sa kanya seven years ago nang lumabas ang kanyang buto sa kanang braso. Pero hindi raw ito magiging hadlang para maging daring siya sa Cassandra at patuloy niyang paglalabanan ang takot sa bawat stunts na gagawin niya para mas mapaganda ang pinagbibidahang TV series.

“Natatakot po ako, to be honest. I’m very afraid everytime… kasi unang-una, may phobia po ako, mayroon nga akong stitch dito,” sabay pakita ng marka ng kanang braso niya na may eight stitches.

“Dahil sa kakulitan ko po ito, so of course medyo may phobia na rin akong maggagagalaw, iyong masyadong maglililikot. I mean, to do the things that are quite hard for me, especially stunts.

“So ako, I just try to conquer that, kasi kumbaga, more than I’m afraid, I’m eager to really make this show successful. So, kahit gaano pa katakot siguro, mas nadadaig pa iyon ng eagerness ko to make this show successful, to make this work.”

Pagbabalik-tanaw pa ni Eula, “This was seven years ago, I was ten years old… on a Christmas day pa. I was on my roller blades, tapos I lost control, I lost my balance and then I caught my fall--kasi you are not supposed to catch your fall ‘pag naano-e nasalo ko at naitukod ko po itong aking braso, so it was fractured.

“It is very traumatic. Unang-una hindi lahat tayo ay nakakakita na lumalabas iyong sarili nating buto. Pangalawa, it happened on a Christmas day. Kaya I spent Christmas in the hospital, so it was a really very bad experience for me,” nakangiting saad niya. “Yes, hangga’t kaya ko po talaga, gagawin ko ang lahat.

“Minsan takot na takot ako, mayroon akong mga eksenang kukunin ko ‘yung lubid at tatalon ako… Talagang magsu-swing ako sa lubid at iba-bump ko pa yung paa ko para bumalik ako.

“So, sobrang nakakatakot kasi ang hirap mag-grip sa lubid na malaki, siyempre sobrang masakit sa kamay at parang nakakatakot na, ‘baka mahulog ako, baka mabitawan ko to,’ ganyan-ganyan.”

So, handa kang gumawa ng stunt na parang buwis-buhay para sa show na ito?

“Opo naman, opo naman and I trust my team, I trust the production that they will not let anything bad happen to me and that they will take care of me. So, hangga’t nandoon naman sila, I think I’m in very good hands.”

So far, ano ang pinakadelikadong stunt na ginawa niya para sa Cassandra?

“So far-wala pa po kasi akong alam kung ano pa yung mga darating na stunts, pero so far sa mga nababasa ko hanggang week five, ang pinakadelikado so far ay iyong tumawid ako sa hilera ng mga buko na umaapoy na nagsi-swing, tinatawid ko yun.

“May karga po akong mabibigat, so kailangan mabilis ako. E, umaapoy po ‘yung buko, nakatali siya tapos umaapoy iyong bukong ‘yun.”

Nagpahayag din si Eula ng kagalakan dahil ang bago niyang show ang pumalit sa iniwang timeslot ng show ni Derek Ramsay na Kidlat.
“Napakasaya ko po at napaka-proud ko dahil kumbaga, hilera na po ‘yan e. Nag-umpisa iyan sa Enchanted Garden, sinundan ng Kidlat, tapos eto nga, papalit ang Cassandra.

“So, humilera talaga sa Fantasy slot ng TV5 at nakaka-proud na napili ako na sumunod kay Derek. Kasi, napakalaking success ang ibinigay ng Kidlat sa TV5 and sana, I’m just hoping na sana, I can do the same. Ganoon din sana ka-successful ang Cassandra at sana ay talagang makagawa kami ng magandang show na mamahalin talaga ng masa.”

Happy din si Eula sa paglabas niya sa Kidlat para ma-establish ang pagiging kaalyado niya bilang Superhero si Kidlat.

“Mayroon pong crossover na nangyari, umere yata last Tuesday, noong last four days ng Kidlat. It was a really big help for us, napakalaking tulong ‘yun.

“I’m very thankful na in-accept ni Derek ‘yung idea na mag-guest ako sa show nya. Big help sa Cassandra iyon, to establish Cassandra also… Hayun po, masaya naman.”

Ayon pa kay Eula, posible raw na mag-guest sa Cassandra si Derek.
“Yeah, it’s very possible. I asked him and he said he is more than willing to also help us and to guest in our show. He’s a very generous man. I know na kapag may mga favors ka sa kanya, as long as kaya niya, he would do that.”

Ayon pa kay Eula, kung kakailanganin daw talaga si Derek, mapapanood ito sa Cassandra bilang Kidlat.

“If ever na kakailanganin na talaga. Sana po, sana. It’s gonna be a very big pleasure for us. Because Derek is very hard-working, he is very inspiring to work with.

“Nakaka-inspire siyang katrabaho, nakakagana siyang katrabaho and I think having him in the set of Cassandra: Warrior Angel is a big help.

“Lalo na at nai-identify na si Derek ngayon bilang superhero ng maraming bata, sobrang well established talaga ang Kidlat. So, it’s really gonna be a big help for us.”

Nabanggit pa ni Eula na sobra siyang na-touched nang magkaroon sila ng Kidlat Convention sa SM North Edsa last week.

“Actually, it was heart-warming noong nag-Kidlat convention, pumunta din ako as Cassandra and it was really heart-warming to see na may mga bata nang naka-costume as Cassandra.

“Yes, may mga batang babae na naka-costume as Cassandra, tapos mga batang lalaking naka-Kidlat at may dala-dala pa silang ‘pakiss Cassandra,’ mga ganyan. So, sobrang nakakataba ng puso, na hindi pa kami umeere ay tinatanggap na talaga kami.”



FAVORITISM IN TV5? Nang umalis sa TV5 si Alex Gonzaga ay may intrigang isa sa rason nito ay dahil may favoritism daw sa Kapatid Network at isa ka sa paborito, ano ang masasabi mo rito?

“Ay, I really don’t think so. Kasi the way I see it, lahat naman po kami talaga nabibigyan naman po talaga kami ng spot.

“Si Ritz [Azul], nag-Kidlat na rin sya. Si Sophie ang ganda ng Never Say Goodbye, napaka-successful din at napakalaking project din yun na ibinigay sa kanila.

“I couldn’t say na favorite ako, kasi to think nga na noong nag-graduate ako ng Star Factor, hindi nga ako nabigyan agad ng ganoong kalaki na ibinigay kina Sophie. So, I really wouldn’t say that I’m the favorite,” nakangiting banggit niya.

Paliwanag pa ni Eula, “Nagkakataon lang po yun, depende rin sa planning ng network. Kung ano din yung mga naka-pitch na shows at kung mapili ka for the show, depende lang po talaga yun.

“And I think naman, TV5 doesn’t really practice such thing as favoritism. Kasi of course, all the home-grown talents not just us, pero lahat ng talents ng TV5 are working enough or even more than enough to contribute to the network and I think they see that, for them to be equally fair to us.

“So, wala po talagang favoritism sa TV5.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN