Martin del Rosario plays a transgender beauty queen in MMK

Martin del Rosario (in photo) will portray the life story of Miss International Queen 2012 Kevin Balot in the upcoming episode of Maalaala Mo Kaya.



LIFE STORY NI KEVIN BALOT, TAMPOK SA “MMK.” Kwento ng pagmamahal sa pamilya at pagtanggap sa sarili ang ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Mayo 18) tampok ang life story ng Miss International Queen 2012 na si Kevin Balot.

Gaganap bilang ang transgender na si Kevin ang Kapamilya actor na si Martin Del Rosario. Bilang nag-iisang anak na lalaki sa kanilang pamilya, sinubukan ni Kevin na talikuran ang kanyang tunay na sekswalidad at tuparin ang pangarap ng kaniyang ama na maging isa siyang engineer.

Ngunit hindi nagtagal, hindi na naitago pa ni Kevin ang kanyang tunay na pagkatao sa kaniyang tatay, dahilan upang magbago ang magandang samahan ng kanilang pamilya.

Paano nga ba mapapatunayan ni Kevin sa lahat ng tao na hindi isang hadlang ang kanyang sekswalidad sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap? Kasama ni Martin sa MMK episode ngayong Sabado sina Al Tantay, Shamaine Centenera, Kokoy De Santo, Kristel Fulgar, Toby Alejar, Emmanuelle Vera, Cheska Billones, Louise Bernardo, Princess Freking, at Dax Bayani. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Agatha Lee Ruadap, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Mae Czarina Cruz.

Ang Maalaala Mo Kaya ay mapapanood ngayong Sabado, pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN