Daniel Padilla and Kathryn Bernardo will be back on television by July 2013


Magpapakilig muli sa big screen ang young actor ngayon na si Daniel Padilla matapos itong lumagda ng ekslusibong movie contract sa ilalim ng Star Cinema kamakailan.

Matapos maging bida sa first starring film na Must Be Love ng ka-loveteam na si Kathryn Bernardo, ikakasa naman ang follow-up movie ng dalawa. Lubos naman ang pasasalamat ni Daniel sa projects na ibinibigay sa kanya ng Star Cinema.

“Nagpapasalamat po ako sa Star Cinema sa pagbibigay ng tiwala nila sa akin pati na rin sa love team namin ni Kathryn,” pahayag ni Daniel base sa isang release mula sa ABS-CBN.

Ilan lamang sa mga pelikulang kinabilangan ng batang aktor ang 24/7 In Love at ang isa sa highest grossing movies of all time na Sisterakas.

Hindi lang sa big screen nakatakdang bumalik si Daniel at Kathryn, kung hindi pati na rin sa telebisyon dahil nakatakda silang mapanood sa teleserye na Got to Believe na mapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN ngayong Hulyo.

Dumalo sa contract signing sina Star Creatives head Malou Santos, Star Magic consultant Johnny Manahan, at talent manager at ina ni Daniel na si Karla Estrada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN