ABS-CBN remakes well-loved '80s drama; Andrea Brillantes is the new Annaliza

Andrea Brillantes is the new Annaliza, the title character that was originally played by Julie Vega (inset). Director Theodore Boborol differentiates ABS-CBN's remake of Annaliza that was first aired on GMA-7 during the '80s.


Iri-remake ng ABS-CBN ang hit 1980s primetime soap opera ng GMA-7 na Anna Liza. Ang pinagbidahan ng yumaong batang aktres na si Julie Vega.

Ang bagong Annaliza ay gagampanan ng child star na si Andrea Brillantes.


Nakailang beses na ring gumanap ng batang karakter sa mga primetime soaps ng Kapamilya network si Andrea. Siya ang gumanap na batang Jessy Mendiola sa Budoy at Precious Hearts Romances Presents: Paraiso; ang batang Andi Eigenmann sa Kahit Puso’y Masugatan, at ang batang Kim Chiu sa Ina, Kapatid, Anak.

Ang bagong ABS-CBN business unit head na si Direk Ruel S. Bayani ang nanguna sa pagri-remake ng Annaliza na ipapalabas na simula sa Lunes, May 27.

Sina Direk Thedore Boborol at Direk Cathy Camarillo ang mga direktor ng bagong bersyon ng Annaliza.

HISTORY. Halos naging isang cultural phenomenon daw ang Anna Liza noong 1980s at hindi pa sana ito magtatapos kung hindi biglaang pumanaw ang bidang si Julie Vega.

Kung ngayon ay may Kantar, TNS, at AGB para sa ratings, noon ay may PSRC at naiulat na nagtapos ang Anna Liza nang may ratings na 54%.

Ngunit ayon sa reporter na si Ed De Leon, bago pa daw ito maipalabas sa telebisyon, isa nang popular na radio drama sa Cebu ang Anna Liza noong 1970s.

Si Ray Benedicto daw ang nagdala nito sa Maynila upang maisa-telebisyon at idinirek naman ni Gil C. Soriano.

DEVIATIONS FROM THE ORIGINAL. Sa bagong Annaliza, nagpasya ang mga direktor na magkaroon ng ilang pagbabago sa istorya.

Kwento ni Direk Theodore, “Yung isang major change, yung ginampanan po ng iconic figure na si Renato Del Prado.

“Noon po kasi siya yung medyo bad character, di ba, siya yung nag-kidnap kay Annaliza.

“Dito po sa version namin, nilagay po namin yung version ng character ng kumikidnap kay Makoy, which is played by Carlo Aquino. Ang friend niya ay si Guido, played by Zanjoe Marudo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s a good guy [Guido], wala nga lang direksyon yung buhay, walang responsibilidad until pumasok si Annaliza sa buhay niya.

“Pero yung isa sa pinaka-major change, lahat po ng tao dito, kahit si Kaye [Abad], si Stella, wala pong black and white.

“Everyone’s three-dimensional, tao po yung pagpo-portray sa kanila. Kung nag-aabuse man si Stella sa bata, hindi ibig sabihin nun na yung character niya ay gusto lang mag-abuse, gusto lang manampal.

“May pinagdadaanan din siyang sarili, may personal siyang pinaghuhugutan.

“So I guess to encapsulate everything, ang pinaka-major change is we have three-dimensional characters, lahat may weakness, lahat may strength.”

Paano naman nila binago ang istorya para makasabay sa makabagong panahon at hindi magmistulang outdated?

Patuloy ni Direk, “Actually, ang totoo, yung Annaliza ang nag-start ng plot ng mga kinikidnap na mga bata.

“Di ba, si Annaliza yung nag-start, lahat ng mga afternoon soaps, kinikidnap yung baby sa mga tunay na magulang.

“Tapos naisip namin, how can we change that? Kasi, aakalain kami yung nanggaya, and to think Annaliza yung nag-start.

“So inaano namin sa social issues ngayon, if you notice, these past few years, usong-uso ngayon yung baby snatching sa ospital, so in other words, ginawa namin siyang modern.

“Aside from having three-dimensional characters. Naglalagay kami ng mga social issues na nakikita natin sa mga newspapers.

“First, yung baby-snatching, pangalawa, for sure may child abuse yung Annaliza. We will not just deal with it na parang okay, pinahirapan lang.

“As much as possible, we will introspect, mag-iin-depth kami to child trafficking and even marital problems.

“Ipo-portray namin siya, ika-characterize namin siya as human, as real as possible.”

REMAKING A WELL-LOVED DRAMA. Paglalahad ni Direk Ruel Bayani, bago pa man sumabak ang kaniyang team sa pagri-recreate ng Annaliza ay alam na nila ang bigat ng sinabak nilang hamon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “The whole team was fully aware from the time we took on this challenge that this is no simple show na niri-remake namin.

“In the history books of teleserye, Anna Liza is way, way up there, from our learning of all these classics…

“From Anna Liza, from Flordeluna and Gulong ng Palad, which we, of course, saw when we were kids, siyempre kami naman na next generation will now interpret it.

“At siguro, ganun din in the future for other generation when they bring it to life once again, and bibigyan naman niya ng ibang interpretasyon yun.”


SYNOPSIS. Si Annaliza ay isang batang likas na busilak ang kalooban na lalaki sa piling ng ama-amahang si Guido (Zanjoe)

Sanggol pa lang si Annaliza ng kunin siya mula sa tunay niyang mga magulang — ang mayamang resto-preneurs na sina Lazaro (Patrick) at Isabel (Denise Laurel). Pinadukot siya ng naghihiganting dating kasintahan ni Lazaro na si Stella (Kaye Abad) sa manliligaw nitong si Makoy (Carlo).

Para hindi mahuli ay agad na idinispatsa ni Makoy si Annaliza at iniwan ito sa pangangalaga ng matalik na kaibigan na si Guido na nagtatrabaho bilang isang kargador sa pantalan. Sa kabila ng payak na pamumuhay, tinanggap ng binata si Annaliza nang buong puso at trinato na parang tunay niyang anak.

Magsisimula ang kalbaryo ni Annaliza nang pinakasalan ni Guido si Stella at tumulak papuntang Saudi para mabigyan sila ng mas magandang buhay. Matinding pagmamalupit ang pagdaraanan niya sa ina-inahan. Ngunit tila magbubunga ang pagiging busilak ng kanyang puso dahil paglalapitin ng tadhana si Annaliza kina Isabel at Lazaro.

Paano malalaman ni Annaliza ang kanyang tunay na pagkatao? Paano siya magdurusa sa kamay ni Stella? Sa bandang huli, sino ang kanyang pipiliin? Ang tunay na magulang na gustong bumawi sa matagal na panahong sila ay nagkawalay o ang lalaking tumayong ama niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa cast sina Khalil Ramos, Sue Ramirez, Kiko Estrada, Shy Carlos, Kyline Alcantara, Jillian Aguila, at Reign Tolentino.

Mapapanood ang Annaliza simula May 27 (Lunes) bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN