Rochelle Pangilinan on co-star Raymart Santiago: "Hindi naman niya pinaparamdam kung may problema man siya."



Sa ngayon, ang Home Sweet Home na lang ang regular na programa ni Rochelle Pangilinan sa GMA-7. Nawala na kasi sa ere ang Sunday musical-variety show na Party Pilipinas.

Kamusta naman siya sa Home Sweet Home?

“Masaya naman sa taping, mababait naman ang mga artista, walang attitude.

“Ine-expect ko nga, like si Tita Celia [Rodriguez] baka toyoin, pero, wala. Tatawa ka lang talaga sa kanya. Ganoon na talaga siya.

“Simula’t sapul sa Daisy Siyete na naka-trabaho ko na siya. Pero siyempre, iba ang panahon ngayon, mainit.”

Si Rochelle ang third party o ex-girlfriend ni Raymart Santiago sa Home Sweet Home at nakaka-dalawang taping days pa lang sila.

Natatawang sabi niya, “Okay lang, kung yun ang hinihingi ng show, di ba?

“Dadami naman daw ang taping days, so, tingnan na lang natin.”


ON HER CO-STAR RAYMART. Lumalabas na sila ni Raymart ang palaging magka-eksena. Kamusta naman si Raymart ngayon?

“Okay naman siyang ka-trabaho,” sabi niya.

“Masaya yung tao. Wala naman akong nakikitang malungkot siya o bigla siyang tumahimik.

“Sobrang ang gaan-gaan lang niyang katrabaho.”

Kamakailan ay nagkaroon ng isyu sa mga Barretto family pero nanatiling tahimik at walang anumang pahayag na nagmula kay Raymart.

Mismong mother-in-law ni Raymart ang nagbunyag na hiwalay na nga sila ng asawang si Claudine Barretto.

Hindi ba niya iyon nababanggit?

“Wala namang ganoon sa set. Kung meron man siguro—well, lalaki kasi siya.

“At saka, ayokong i-touch yun sa kanya. Ganoon naman kasi yun kung artista ka.

“Kung ano ang problema mo sa bahay, be professional, iwan mo.

“Kasi, mas mahihirapan kang makaarte. At saka, hindi naman niya pinaparamdam kung may problema man siya.

“He’s cool at kailangan mo lang tumbasan kung gaano siya ka-hyper sa set.

“Tuturuan ka pa niya na kapag kumakain, ‘Bakit hindi ka mag-rice, kasi magpupuyat tayo.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN