TJ Trinidad portrays a PMA cadet-turned-cancer survivor in Magpakailanman



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:

"Ngayong Sabado, ibabahagi ng Magpakailanman ang kuwento ni Prolen Bonacua, isang lalaki na handang ialay ang sariling buhay para sa katuparan ng kanyang pangarap.

"Itinatampok sina TJ Trinidad bilang Prolen, Rez Cortez bilang Protacio, ama ni Prolen, JC Tiuseco bilang Jojo at Jade Lopez bilang Donna. Kasama rin sina Alvin Aragon, Gino dela Pena at Kiel Rodriguez.

"Mula pagkabata, alam na ni Prolen na gusto niyang magsilbi para sa bayan, na maging tagapangalaga ng kapayapaan. Kaya naman, kahit labag sa kalooban ng ina, pinursige ni Prolen ang pangarap na ito at nag-enroll sa PMA (Philippine Military Academy).

"Kahit na marami nang narinig na kuwento tungkol sa buhay militar, iba pa rin ang pakiramdam ng nararanasan na ito. At hirap man sa simula ay niyakap ni Prolen ang buhay na pinili. Nagsikap siya at pinagbuti ang lahat ng kaniyang gawain. Kaya naman hindi na naging sorpresa sa kaniya o sa kaniyang mga kasamahan nang mapili siya para sa isang exchange cadet program na magpapadala sa kaniya sa ibang bansa.

"Isa sa mga requirement na kailangan ni Prolen ipasa ay isang medical certificate na magsasabing wala siyang kahit anong medical problems. Lakas loob na kinuha ni Prolen ang test, knowing na wala naman siyang masamang nararamdaman. At laking gulat niya nang matuklasan na my isa siyang heart condition na magdi-disqualify sa kaniya for the exchange cadet program.

"At ang mas masakit pa, idi-idischarge na rin siya ng PMA bilang isang kadete. Hindi pumayag si Prolen na dito na matapos ang pangarap niya. Kaya nagpursige ang binata na makabalik sa PMA. Wala siyang hindi ginawa, wala siyang hindi kinausap. Nag-ikot pa siya sa iba’t-ibang ospital para makakuha ng mga certification na magsasabing kaya niya pa rin maging sundalo, na kaya pa rin niyang magserbisyo para sa bansa.

"Ngunit hindi pa natapos ang pagdating ng mga pagsubok sa buhay ni Prolen. Dahil napatunayan man niyang hindi dapat ikabahala ang heart condition na nahanap sa kaniya, natuklasan namang may cancer siya of the lymph nodes.

"Paano hinarap ni Prolen ang bagong paghihirap na ito? Paano siya nakabalik sa PMA? At sa kabila ng kaniyang mga karamdaman, paano nakapagtapos si Prolen na third placer sa graduating class ng PMA for 2013?

"Mula sa mahusay na direksyon ni Topel Lee, sundan ang kuwento ni Prolen ngayong Sabado sa Magpakailanman - "For Love of Country: The Prolen Bonacua Story," pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7."

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN