Will there be a Be Careful With My Heart movie version?

Jodi Sta. Maria says about having a movie version of Be Careful With My Heart: “If there’s a will naman, there’s a way."



Kamakailan ay may nakapagbalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may balak ang movie arm ng ABS-CBN, ang Star Cinema, na gawing pelikula ang kilalang daytime teleserye na Be Careful With My Heart.

Sa pamamagitan ng PEP Alert, nailatahala sa PEP noong nakaraang dalawang linggo, “PEP SCOOP: Star Cinema‘s entry to the 2013 Metro Manila Film Festival will be the film version of the hit TV series Be Careful With My Heart starring Jodi Sta. Maria and Richard Yap.”

(READ: PEP Alert on reported Be Careful With My Heart movie.)

Pero hindi pa ito makumpirma ng lead actress ng teleserye na si Jodi Sta. Maria.

Bagamat hindi siya tutol sa ideyang ito, naisip naman ni Jodi na maaring mahirapan ang cast sa schedule.

Sa press conference ng bagong produktong kanyang iniendorso kamakailan, sinabi ni Jodi, “Alam mo, I think January pa lang, ‘yon na ‘yong naging haka-haka talaga, na gagawin siyang pelikula.

“Pero gusto man naming gawing film siya, ang problema namin is ‘yong time kasi mayroon tayong tour.

“Nagte-taping na rin kami ngayon almost every day dahil hand-to-mouth ‘yong programa.

“Hindi namin sure kung kaya pa bang i-accommodate ng schedules namin ‘yong pelikula.”

Nagsimula ang Be Careful With My Heart World Tour noong April 2013, at noong nakaraang buwan ay lumibot ang cast ng programa sa iba’t ibang lugar sa Amerika.


(Read: Be Careful With My Heart cast perform at Shrine Auditorium)

Gayunman, hindi naman daw problema kung sakaling matuloy ang pagsasapelikula ng Be Careful With My Heart.

Ani Jodi, “If there’s a will naman, there’s a way. Abangan na lang din. We haven’t got word din, e.”

“IT’S FOREVER.” Hindi naman nakapagbigay pa nang reaksiyon si Jodi nang sabihin sa kanya ng entertainment press na mananatili “forever” ang naturang teleserye, ayon kay ABS-CBN President Charo Santos-Concio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isa press conference matapos ang annual stockholders’ meeting ng ABS-CBN Corporation, pabirong sinabi ni Charo tungkol sa programa, “It will be there forever, hanggang magkaroon ng apo.”

Nabanggit din niya, “That's always a challenge for our content creators. The challenge is always for the next big hit. But for the meantime, as long as the public is supporting Be Careful With My Heart, it will be there.”

“Oo sige, sabi na ni Ma’am Charo ‘yon. Wala na tayong magagawa,” nakangiting sabi ni Jodi.

Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Jodi kung hanggang kailan tatakbo ang kanilang daytime teleserye.

May balita kasi noon na hanggang June 2013 lamang ito. Pero sa takbo ng istorya ngayon kunsaan pumasok na sa relasyon sina Maya (Jodi Sta. Maria) at Sir Chief (Richard Yap), tila hindi pa ito magtatapos ngayong buwan.

“Hindi ko rin talaga masabi kung hanggang kailan pa yung show.

“As of the moment, I think aabot pa tayo ng July.”

Pagdating sa sunud-sunod na extension ng show, sabi ni Jodi, “Wala namang problema.

“As long as alam namin na gusto pa ng mga taon na panoorin ‘yong show, alam namin na marami pang mai-inspire sa ipinapalabas namin.”

Dagdag pa niya sa huli, “Maraming natututo sa Be Careful With My Heart so, bakit naman hindi? Kung ‘yong ang serbisyo na maibibigay namin para sa [mga manonood].”

Nagsimulang umere ang Be Careful With My Heart sa ABS-CBNnoong July 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN