Ai-Ai delas Alas's character loses her sanity in Maalaala Mo Kaya

Jun 5, 2013


AI-AI, GAGANAP NA ISANG INANG NABALIW SA MMK. Tatag at tindi ng pagmamahal ng isang pamilya ang kwentong ibabahagi ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas ngayong Sabado (Hunyo 8) sa longest-running drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya.


Gagampanan ni Ai-Ai ang karakter ni Susana, isang mapagmahal na ina na nawala sa katinuan dahil sa iba't ibang problema na kanyang kinakaharap sa buhay. Dahil sa kanyang pinagdadaanan ay buong-pusong inako ng anak ni Susana na si Roy (Joseph Marco) ang responsibilidad ng pag-aalaga at pag-aaruga sa kanyang ina at mga kapatid.


Paano nga ba makatutulong ang pagmamahal ng mga anak at pamilya ni Susana upang malampasan niya ang pinakamalaking pagsubok sa kanyang buhay? Maibabalik pa nga ba nila ang dating ngiti at sigla ng kanilang ilaw ng tahanan?


Kasama nina Ai-Ai at Joseph sa special MMK episode sina Emilio Garcia, Sharlene San Pedro, Maliksi Morales, Veyda Inoval, Raquel Montessa, Casey Da Silva, Baby Red, at Chienna Filomeno. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Agatha Lee Ruadap, panulat nina Arah Jell Badayos at Joan Habana, at sa direksyon ni Mae Czarina Cruz.


Mapapanood ang MMK ngayong Sabado pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results