Valeen Montenegro wants to juggle her Fashion Design career with her showbiz career

When asked to name the TV5 star that she would like to be partnered with, Valeen Montenegro answered, "Siyempre, I’ll start naman with someone I know. Nandiyan si Alwyn [Uytingco], si JC [de Vera], si Edgar [Allan Guzman]. Kahit sino, I mean hindi naman ako magiging choosy."


Hindi lang ang showbiz career ang maipagmamalaki ngayon ng TV5 host-actress na si Valeen Montenegro dahil bukod sa kanyang career ay meron na siyang diplomang maipagmamalaki.

Sa thanksgiving party ng isa sa longest-running shows ng TV5, ang Lokomoko U, na ginanap sa TV5 Broadway Centrum Studio sa Quezon City last June 7, naibahagi ng young star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang bahagi ng media na magtatapos na siya sa kolehiyo.

Fashion Design and Merchandising ang kinuhang kurso ni Valeen sa College of St. Benilde School of Design.

“I just finished studying so I’m graduating this July.”

Sa ngayon, gusto rin ni Valeen na magkaroon ng pangalan sa fashion industry ngunit balak niya itong isabay sa kanyang showbiz career.

“Like I did with showbiz and my school, pinagsabay ko. So siyempre, why not pagsabayin din.

“Since it’s also in line with [showbiz].

Pagmamalaki pa ng actress, “My connections na ako, e, like pwede kong bihisan yung colleagues ko.

“Pwede kong bihisan sina Ate Tuesday [Vargas], sila Eula [Caballero], ganyan.

“So parang mas may edge na ako kung iko-continue ko yung Fashion Design.”

(READ: Valeen Montenegro wants to pursue a career in fashion)

CAREER SHIFT. Ilang taon na ring hindi sumabak sa drama at teleserye si Valeen, kaya naman aminado siya na namimiss rin niya ang sumabak sa mga mbibigat na eksena.

Kuwento ni Valeen, “Siyempre naman nami-miss ko pero like I said kina Sir Percy [Intalan], sabi ko gusto ko i-workshop muna ako para alam kong seryoso sila sa—alam nilang seryoso ako sa ginagawa ko.

“Ayoko kasing sumasalang ng hindi ako ready.

“Hopefully, I mean the year is just half-way done so marami pang pwedeng mangyari.”

Kung siya ang papipiliin, sino nga ba ang gusto niyang maging leading man?

“Siyempre, I’ll start naman with someone I know. Nandiyan si Alwyn [Uytingco], si JC [de Vera], si Edgar [Allan Guzman].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sino, I mean hindi naman ako magiging choosy.

“Parang, I trust sa gustong gawin ng management kung plano sila sa akin. I’ll trust that and tatanggapin ko lang.”

Kwento pa ni Valeen, ang co-star niya na si Eula Caballero ang isa sa hinahangaan niya ngayon pagdating sa acting.

“Napapanood ko si—I mean, Eula is much younger than me pero pag dating sa pag-arte as in naniniwala ako sa kanya.

“Kahit kunyari nagko-comedy lang kami dito, naniniwala ako na nakakatawa siya, ganyan.

“Magaling siya mag-portray ng character. It’s a talent, it’s a skill na hindi overnight magagawa.

“She’s super young pero magaling siya.”

Bukod kay Eula, marami ring hinahangaan si Valeen sa showbiz industry kabilang na ang co-star niya sa Lokomoko U na si Tuesday Vargas.

“Kung sino lang po ang nakikita ko na mukhang inspirational.

“Hindi lang sa mukha na very physical aspect pero kung ano yung mga makikita mo na ginagawa nung tao.

“Parang inspiring siya kasi healthy siya, inspiring siya kasi may magandang pamilya siya and inspiring siya kasi may maganda siyang ginagawa sa kapwa tao niya.

“Marami out there, pati yung mga friends ko like si Ate Tuesday [Vargas].

“I mean, sobrang funny niyang tao pero very serious siyang nanay tapos nagagampanan pa niya yung work niya as a wife to her husband.

“So, parang ang daming career [paths] na pwede kong mapatungan ng sarili kong life.

“Kasi ngayon, I’m turning 23 pa lang, gusto ko parang mas madaming maganda inspiration, magandang darating sa buhay ko I’m not closing my doors to any thing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN