Eula Caballero believes posing in men's magazines is not prerequisite for a successful showbiz career

Kabilang ang Star Power grand winner na si Eula Caballero sa cast ng isa sa longest-running shows ng Kapatid network, ang: Lokomoko U! Ang Kulit!



Isang araw matapos ang kanyang debut, masayang humarap sa press ang TV5 actress na si Eula Caballero last Friday, June 7. Dumalo si Eula sa thanksgiving party ng Lokomoko U na ginanap sa TV5 Studio sa Broadway Centrum.

(Read: Eula Caballero on why she chose JC de Vera as her last dance during her recent debut party: “The guy has touched my heart and has been involved in my life the most.”)

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young star at masaya ito sa naging kinalabasan ng kanyang latest project, ang Cassandra: Warrior Angel.

“It’s writing well, we are doing very well and everybody is happy about the show—how people accept the show and love the show and support the show.

“So far, mabilis, mabilis yung taping namin. Right now, we are surprised na we are opening week nine so sobrang bilis lang kasi we are going to tape until week eleven.

“Kasi mahaba yung script namin, e, so based sa script namin for example sa week five, umeere siya week six na siya kasi mahaba [and] naka-cut pa siya.

“So ang number of weeks namin sa script [is] week eleven pero isang buong season siya, pag umere week thirteen.”

Isa pang dapat abangan kay Eula ay ang upcoming film na Raketeros kunsaan gaganap siya bilang anak ng character ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Makakasama niya sa naturang comedy film sina Ogie Alcasid, Andrew E., Dennis Padilla, Joey Marquez, at iba pa.

Ayon kay Eula, wala pa raw playdate ang kanilang pelikula ngunit malapit na raw matapos ang post-production nito.

“No one’s told me yet, when it’s going to show in theaters and nag-dub na ako pero hindi ko pa naman nabuo.

“Siguro, maybe July or August.”

(VIEW GALLERY: Behind The Scenes: Raketeros in Himlayang Pilipino!)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ASPIRING CHEF. Isang taon na lang ang dapat tapusin ni Eula sa high school bago makatungtong ng kolehiyo. Balak ng 18-year-old actress na kuning kurso ang Culinary Arts.

“I plan to take up Culinary Arts pero I’m also considering what my parents are telling me that I should get something na more academic first.

“So, I guess it’s too early confirm anything right now because I’m not even done with my last year of high school yet.”

Kuwento pa ni Eula, kilala ang pamilya nila bilang magagaling sa kusina at nais sana niyang ipagpatuloy ito.

“The desire for Culinary Arts came from my family who are all very good in cooking, baking and all that.

“I mean from my grandmas and from my great grand mas parang I just don’t stop in us because we are four in the family and no one has the same talent so I wann see if I can...if there’s something in me that could be discovered, that could be developed to be a kitchen person.”

THE RIGHT TIME. Sa isang interview ni Eula, sinabi nito na kailangan pa niyang paghandaan kung sakali ang pagpo-pose ng sexy sa mga men's magazines.

(READ: Eula Caballero on posing sexy for men’s magazine: “Marami pa akong kailangan na i-improve sa katawan ko kaya hindi pa ako handa.”)

Ayon sa Kapatid star, tamang panahon din ang kanyang inaantay bago gawin ang career move na ito.

Saad ni Eula, “Whenever you’re ready is the right time so I’m waiting for myself to develop even more and be prepared.

“Ayoko kasi isalang yung sarili ko sa isang situation na—okay, let’s be straight, magsho-show ka na ng skin and all that, gusto ko pag ginawa ko yun, e, talagang kung ano man yung pinakita ko [is] something na maganda, classy, elegant and hindi masasayang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga nagbato ka na lang din, binato mo na ng maganda.”

Dagdag pa ng young actress, wala talaga sa balak niya ang tahakin ang pagpapa-sexy ngayon ngunit hindi niya sinasarado ang kanyang pintuan kung sakaling magkaroon ng offer na mag-pose para sa men's magazines.

Aniya, “I’m not really preparing for it. Wala pa sa utak ko na magpa-sexy talaga.

“So far, I haven’t even thought of that yet.

“As far as I’m concerned, I’m not saying that I would not pose for men's magazines because ang dami nang mga artista ang nagsabi niyan and ended up posing after all.”

Paliwanag pa ng Cassandra star, “Ako, so far, wala akong plans and I don’t think it’s a necessary move in a career of an actress.

“Like andiyan si Carla Abellana who is really proving that until now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN