Gaby dela Merced, Mcoy Fundales, and Zara Aldana join PBB Celebrity Edition 2


(L-R) Gaby delaMerced, Mcoy Fundales, and ZaraAldana are dubbed as the The Racing Goddess, The Musikerong Daddy, and The Controversial Beauty Queen, respectively. Theyare the new housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.


Nakita na ng publiko noong Linggo, October 14, ang mgasusubaybayan nilang mga housemates sa darating na 70 araw sa Pinoy BigBrother Celebrity Edition 2. Ito ay ang mga modelo na sina Will Devaughn at Victor Basa, ang aktres atStar Magic talent na si Megan Young, 26K girls Marylaine Viernes at Jen daSilva, Geisler brothers Baron and Donald, actress-mom Yayo Aguila, Ms.Earth-Canada Riza Santos, at ang komedyante mula sa Davao na si Ruben Gonzaga.

Isa-isang pumasok ang mga bagong housemates ng PBBCE 2, maykanya-kanyang mga gimik. Si Gaby delaMerced ay sumakay muna ng helicopter mula sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas, kasama si Bianca Gonzalez.Lumipat si Gaby sa isang white limousine na naghatid sa kanya sa PBB house.Kakaiba rin ang pagpasok niya sa Bahay ni Kuya dahil sumakay siya sa isangscooter, na dumiretso pala sa swimming pool sa activity area.

Ang extreme sportslover na ito ay dubbed as "The Racing Goddess." Ang 25-year-oldna ito ang kaisa-isang Filipina na nakatapos ng full season sa Asian Formula 3Series. Siya pa ang naging first runner-up sa Philippine Formula 3 NationalChampionship. Isa siya sa mga awardees ngMarie Claire magazine's Women of the World noong 2006. At ngayong taon, naging FHM February2007 cover girl.

Sumama rin sa mgacelebrity housemates sina McoyFundales, ang vocalist ng Orange & Lemons, at "former" beauty queenZara Aldana (a.k.a. Zephora Mayon).


Pinalabas sa Uber ang live nilang pagpasok kahapon, October 16. Kagaya ni Gaby dela Merced noong Lunes, dumating na naka-chopper at limousine ang dalawa.



Unang hinatid ni Uber host Mariel Rodriguez ang tinaguriang "Musikerong Daddy" saconfession room, kung saan kinanta nito ang "Pinoy Ako," ang themesong ng Pinoy Big Brother. Pinarinig ni Kuya sa mga housemates ang awit, kaya excited na hinalughog nila ang buong bahay parahanapin ang bokalista. Feel kasi agad nilang nasa tabi-tabi lang ito. Tuwang-tuwa sila nang magpakita si Mcoy sa wakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bagay na bagay si Mcoy na maging housemate dahil, ayon na rin sa kanya, dapatlang na makilala ng madla ang nagmamay-ari ng "voice behind the song"na kinanta at sinayawan ng bawat Pinoy sa buong mundo mula pa noong PBB Season1.


Iba naman ang gimik sa entrance ni Zara, na ipinakilalang "TheControversial Beauty Queen." Ang dating Mutya na Pilipinas-Asia Pacific2007, na gumawa ng ingay noong iniwan ang korona, ay pumasok sa Big Brotherhouse na may dalang mga sash. Isa-isa niyang isinabit ito sa mga dinatnang housemates.

Abangan ang mgasusunod na pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya sa pamamagitan ng Uber napinapalabas tuwing 5:30 p.m. at ang Pinoy Big Brother CelebrityEdition 2 primetime edition napinapalabas ng 10 p.m. gabi-gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN