Julia Barretto stars in Father's Day episode of Maalaala Mo Kaya



JULIA BARRETTO DADAAN SA MATINDING PAGSUBOK SA BUHAY-PAMILYA SA MMK. Madamdaming kuwento ng isang anak ang bibigyang-buhay ng rising Kapamilya teen star na si Julia Barretto ngayong Sabado (June 15) sa kanyang kauna-unahang pagganap sa longest-running drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya.


Gagampanan ni Julia ang karakter ni Alex, isang batang lumaki sa kumpleto at masayang pamilya. Gumuho ang buhay ni Alex nang sumama ang kanyang ina sa ibang lalaki dahil nagsimulang malulong sa droga ang kanyang ama. Bago tuluyang masira ang kanilang pamilya, pinatawad ni Alex ang kanyang ama at nagsikap tapusin ang pag-aaral para patunayan sa ina na hindi niya ito kailangan.


Magawa kaya ni Alex na patawarin ang kanyang nanay sa kabila ng pag-abandona nito? Paano maghihilom ang mga sugat sa pamilya na dulot ng isang malaking pagkakamali? Makakasama ni Julia sa MMK episode na ito sina Ara Mina, James Blanco, Jacob Dionisio, Tommy Abuel, Manuel Chua, Kristoff Meneses, Marikit Morales, at Yda Yaneza. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Mark Angos, at direksyon ni Dado Lumibao.


Abangan si Julia sa MMK ngayong Sabado pagkatapos ng Wansapanataym, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN