Ogie Alcasid's character in Magpakailanman takes care of his child with cerebral palsy




PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


"Ngayong Sabado, inihahandog ng Magpakailanman ang isang espesyal na pagtatanghal para sa Father's Day. Mula sa natatanging pagganap ni Ogie Alcasid bilang Ronaldo Niangar, tunghayan ang kuwento ng isang ama na ginawa ang lahat para sa kaniyang anak na may sakit na cerebral palsy.


"Kasama rin sina Manilyn Reynes, Lexi Fernandez, Mona Louise Rey, Spanky Manikan, Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Kaye Samson at Eva Darren.


"Kumalat sa online ang pangalang Ronaldo Niangar, at ang Flowers of Hope for Jewelyn. Si Ronaldo ang ama ng batang si Jewelyn na may cerebral palsy. Para tustusan ang pangangailangan ng anak na may special needs, gumagawa sina Ronaldo at ang iba niyang mga anak ng flower pens na kanilang ibinibenta.


"Pero ano ba ang kuwento sa likod ng Flowers of Hope? Ano ang naging buhay nina Ronaldo at ng kaniyang mga anak bago bumalik ang pag-asa sa kanilang buhay? Nasaan ang asawa ni Ronaldo?


"Mula sa mahusay na direksyon ni Dondon Santos, sundan ang tunay na kuwento ni Ronaldo ngayong Sabado sa Magpakailanman – Flowers of Hope: The Ronaldo Niangar Story, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN