Director Louie Ignacio feels pressured for their morning-serye to do well in the ratings game

(L-R) With a Smile director Louie Ignacio with stars Christian Bautista, Andrea Torres, and Mikael Daez. Direk Louie says about helming GMA-7's morning serye: “Yes, sobrang laki ng pressure. Pero, si Lord na ang bahala."



Isang dekada raw ang lumipas bago nag-direk muli ng isang teleserye ang Kapuso director na si Louie Ignacio. Si Louie ang director ngayon ng morningserye ng GMA-7 na With A Smile na nagtatampok kina Mikael Daez, Andrea Torres at Christian Bautista.

Ang huling teleserye na ginawa niya sa Kapuso Network ay ang I Luv New York starring Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Sa press conference ng With A Smile noong June 10 sa 17th Floor ng GMA Network, sinagot ni Louie ang dahilan kung bakit ngayon lang siya muling nag-direk ng isang serye makalipas ang sampung taon.

“Ano, nag-adjust lang ang katawan ko sa pagod, which is, nakakapagod talaga. Yung gumawa ka ng soap, tapos, may SOP ka pang kasabay noon. Ngayon, medyo naka-relax ang katawan ko. Tapos, gusto ko ang project.

“Hindi siya ang typical na soap-opera na may patayan. May habulan. Ito, light lang.

“Tapos, first time kong makasama ang mga artista. Ngayon lang talaga.
“And then, excited ako kay Christian na kalilipat lang. Parang napaka-big deal nitong project na ito sa akin.”

Sa loob ng sampung taon, marami na raw inalok sa kanya ang Kapuso network na idirek niya. Karamihan daw, tinatanggihan niyang talaga. Meron naman daw na tinatanggap niya, pero, sa umpisa lang. Pagkatapos, iiwanan din niya at iba ng direktor ang nagtutuloy.

Aniya, “May mga soap ako na inumpisahan lang, pero, hindi ko na tinuloy. Tulad ng My Only Love. Nasimulan ko ng isang buwan, tapos, huminto rin ako. Wala lang, parang may pagka-pasaway rin ako noon. Kapag ayoko na, ayoko na.”

Makakasigurado naman ang network na hindi niya bibitawan ang With A Smile?
Nakangiting sabi niya, “Dito, excited naman ako sa With A Smile. Excited naman ako every taping. At saka, ang ano ko kasi, basta excited akong umattend ng taping, tuloy-tuloy yan. Tulad sa I Luv New York, natapos ko yun.”


Ngayon nga sasabak ang GMA-7 sa morning-serye na masasabing naging matagumpay ang kabilang network, ang ABS-CBN sa Be Careful With My Heart.

May pressure ba siyang nararamdaman, lalo na pagdating sa rating?

“Kasi, yung panahon ngayon, lahat ng i-produce mong show, may pressure. Kasi, alam mo naman ang magkabilang network, ‘di ba? Ang gawin mo na lang, ano ang konsepto na magaan lang na gugustuhin ng tao?

“Definitely, kapag umaga, ayaw nila ng may patayan. Bagong gising sila, gusto nila, very light lang. Kape-kape ka lang. Baka maghabulan ang mag-asawa ng kutsilyo kapag may ganun. ‘Eto, feel-good ka lang.

“Kunin mo lang ang character ng taong nanonood sa ‘yo, yun na yun.”

Pero, pag-amin din niya, “Yes, sobrang laki ng pressure. Pero, si Lord na ang bahala. Alam mo naman, hindi mo malaman ang preference ng tao ngayon, viewers. Minsan, gusto nila. Minsan, hindi. So, gandahan mo lang ang materials, yun na yun, ‘di ba?

“Meron kang tatlong magagaling na actors.”


Kinamusta naman namin sa director ang tatlong bidang artista niya sa morning-serye ng GMA-7. Sina Mikael, Andrea at Christian ang mga lead stars ng With a Smile.

Ayon naman sa director, “Ano ko riyan, hands-off ako riyan. Nagsisimula pa lang, sana, hindi magbago. Yun yun, ‘di ba? Simula, professional. Uma-attend ng taping na alam ang script. So, prinamis naman nila sa akin na sana, hindi magbago.

“Alam mo naman sa soap, kapag tumatagal, nagbabago. Pero, sa ngayon, light pa lang naman lahat.”

Kuwento pa niya, “Si Christian, first day pa lang, nag-blow-out na ng pizza. Tapos, sumunod na araw, si Mikael naman. Walang patid na kakanin si Andrea. Ang ganda ng flow. Tapos, yung mga support namin, mga theater actors naman, masaya, magagaling.

“Pinaka-maraming take namin, take two. Puro take one nga kami.”

Kadalasan na dini-direk ni Louie ay mga TV specials ng GMA-7. Naging director din siya ng Tropang Potchi at ng show ni Manny Pacquiao. Sa kanya rin namin nabalitaan na may bago ulit na show si Manny sa Kapuso Network.

At sa mga hindi nakakaalam, si Louie ang director ng SOP sa loob ng labing-limang taon.

Bakit hindi na siya bumalik sa pagdi-direk ng Sunday musical variety show?

“Hindi na,” saad niya. “Ang sarap na ng buhay ko every Sunday. May time na ako for my rest house. For fifteen years akong natali.”

Hindi niya namimiss?

“Hindi ko namimiss,” nakangiti niyang tugon.

Yung pakiramdam nang mabalitaan niya na kung nagtagal ng labing-limang taon ang SOP, ang pumalit dito na Party Pilipinas ay ilang taon lang ang tinagal sa ere.

Ayon nga kay Direk Louie, ang SOP noon, solo lang siyang nagdirek.

“Yes, ako lang yun, solo. Walang Team A, Team B.”

Noong mabalitaan niya na nawala na ang Party P, ano ang naramdaman niya?

“Baka ano—well, mahirap mag-comment. Coming from my show to Party P. Siguro, yung pressure lang, sobra. Iba ang pressure ngayon, e. Lalo na kapag yun nga, yung rating, minsan nakakabaliw. Nakakamatay ang rating!

“Diyusko Day, Lord, pag-usapan mo ng lahat, huwag lang ang rating. Nandoon na ang okrayan, nandoon na ang lahat. Siguro ano—hindi ko alam ang isasagot ko. Ang daming nagtatanong.

“Pero sabi ko, nakayanan ko naman for 15 years, hindi ko lang alam kung bakit nangyari sa Party P yun.”

Hindi ba siya inalok ngayon ng network na mag-direk ng bagong musical variety show na Sunday All Stars?

“Alam na kasi nila na ayoko na ng for Sunday,” saad niya.

“Never na akong magsa-Sunday show.”


Matagal na siyang director sa Kapuso at nawalan siya ng matagal na programa, pero, nanatili pa rin siyang Kapuso.

Hindi niya naisip na mangibang-bakod?

“Sobra yung support. Lalo na si Mr. [Jimmy] Duavit. Si JRD, sobrang ano—anytime na may kailangan ako, diretso akong nakikipag-usap. Walang dinadaanan na kung sino-sino, yung ganun. At saka, maganda ang offer.

“At saka, ayoko ng makipagkilala sa mga bago ulit, nakakapagod yun. Paglipat mo ng ibang network, pakikisama, bago lahat. Dito, lahat friends mo. Tawagin mo ang mga boss na friends, okay lang. Sa kabila, hindi.

“Matatawag mo ba ang mga Presidente roon na friends? Dito sa GMA, si Mr. Duavit, natatawag kong Tatay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN