Khalil Ramos and Sue Ramirez join the cast of Annaliza


Isang bagong tambalan ang tampok sa ABS-CBN family drama na Annaliza.
Ito ay ang Kapamilya teen stars na sina Khalil Ramos at Sue Ramirez.

Ang Star Magic Batch 2013 member na si Khalil ay gumaganap bilang Jeric samantalang si Sue (na huling napanood sa Angelito: Batang Ama) ay gumaganap bilang Luisa.

Inamin ni Khalil na masaya at kumportable siya katrabaho si Sue kaya naman effortless ang ipinapamalas nilang kilig on screen. “Masayang makatrabaho si Sue dahil magaling po siyang artista. Walang hassle at free flowing lang kami sa taping,” sabi ni Khalil.

“Sobrang nakakaoverwhelm po. Khalil and I were not close before so nakakatuwa na tinanggap nila kami. Very unexpected,” sabi naman ni Sue.

Ginagampanan ni Khalil ang papel ni Jeric, isang rocker heartthrob at kapatid ni Isabel (Denise Laurel), habang si Sue naman ay si Luisa, tagahanga ni Jeric at kapatid ni Stella (Kaye Abad).

Uusbong ang magandang pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa. Ngunit paano kaya maapektuhan ang kanilang relasyon kapag nalaman nila ang tunay na namagitan noon sa kanilang mga kapatid na sina Stella at Isabel?

Mula June 3 hanggang June 7, panalo ang Annaliza sa average national TV ratings 17.5 % kumpara sa kalabang Home Sweet Home na may 9.8% base sa datos ng Kantar Media.

Napapanood ang Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN