Boots Anson Roa stars in her first TV5 teleserye Misibis Bay

Boots Anson Roa’s advice to newbie Ritz Azul: “I-surrender niya ang sarili niya sa role niya, ‘yong letting go, ‘yong gano’n. At saka ‘yong bawasan nila ‘yong sarili nila in approaching the role, kasi mas madali mong ma-assimilate ‘yong role mo kapag ano ka blangko, tabula rasa ka.” Boots considers her upcoming show with TV5 an “alumni homecoming” because he


Itinuturing daw ni Boots Anson Roa na “alumni homecoming” ang latest teleserye niya sa TV5 na Misibis Bay.

Nangingiting pag-alala ng beteranang aktres, “Actually ano ko na ‘to, e, alumni homecoming ko na ‘to sa Channel 5, because my first TV show in 1963 was in Channel 5, ‘yong Dance-O-Rama.

“I’ve done guestings din sa show ni Dolphy [Pidol’s Wonderland], sa Face to Face [Untold Stories], pero ‘yong regular this is the first.”

Ang Dance-O-Rama raw ang show niya kung saan mayroong “Sayawan, kantahan tapos nagge-guest kami ng mga stars.

“Mayro’n [contest], may Dance-O-Rama Queen— si Gina Pareño, Mary Ann Murphy.”

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Boots Anson Roa kahapon, June 18, sa pocket interview na inihanda ng TV5 na ginanap sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato,Quezon City.

HER ROLE. Para sa unang teleserye ni Boots Anson Roa sa TV5, gaganap siya na lola ni Maita, ang karakter ni Ritz Azul.

Aniya, siya ang lola na “mabait na may anger.

“May feeling of revenge kina… magkapatid sina Boyet [Christopher de Leon] at Vivian [Velez] dito.”

Ang dahilan ng kanyang galit sa mga karakter nina Christopher de Leon at Vivian Velez ay, “kasi ni-land grab nila ‘yong lupa namin, dinevelop [develop] nila into Misibis Bay.”

Ang teleseryeng Misibis Bay kasi ay isang fictional story kung paano naipatayo ang naturang lugar sa Albay.

Nagbigay na rin ng kaunting background ang aktres sa magiging karakter nina Christopher at Vivian.

“Ang galing! She’s so good in being bad,” pagpuri ni Boots Anson Roa kay Vivian.

“Magkapatid sila ni Boyet [Christopher] dito. Sila ‘yong… pero si Vivian lang talaga ang naggawa [ng land grabbing], nadamay lang si Boyet.”

Kinuwento rin ng veteran acress ang pagmumulan ng galit ng kanyang karakter na si Lola Delia kay Anthony (played by Christopher de Leon).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang siya ‘yong son-in-law ko, nagkaroon sila ng May-December relationship ni Ritz.

“So ayaw ko sa kanya kasi unang-una batang-bata ‘yong apo ko, pangalawa sila ang nag-land grab sa lupa namin.”

RITZ AS ACTRESS. Madalas na makaeksena ni Boots Anson Roa si Ritz Azul, na isang baguhan sa industriya.

Kaya naman hiningan ng komento ang beteranang aktres tungkol sa acting skills ng batang aktres.

“Alam mo si Ritz for a newcomer mayro’ng sensitivity ‘yong bata, e,” paghanga niya rito.

“Uhm, mayro’n siyang mga pinaghuhugutan at intilehente, marunong umintindi ng ginagawa niya.”

Lumalapit naman daw si Ritz sa kanya para humingi ng advice. Pero kung mayroon man isang mahalagang advice siyang ibibigay dito, iyon ay “‘yong i-surrender niya ang sarili niya sa role niya, ‘yong letting go, ‘yong gano’n.

“At saka ‘yong bawasan nila ‘yong sarili nila in approaching the role, kasi mas madali mong ma-assimilate ‘yong role mo kapag ano ka blangko, tabula rasa ka.”

Mapapanood ang Misibis Bay simula July 1, pagkatapos ng Cassandra: Warrior Angel sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN