In MMK, Nikki Gil deals with a husband who cheats on her with her sister




NIKKI GIL, GAGANAP NA BABAENG PINAGTAKSILAN NG ASAWA’T KAPATID SA MMK. Bibida ang Kapamilya actress na si Nikki Gil sa isang matinding family drama episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (June 22). Gagampanan niya ang karakter ng mapagmahal na asawa’t kapatid na si Precy. Dahil sa hangarin niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak at kapatid na si Agnes (Nikki Bagaporo), magdedesisyon si Precy na magtrabaho sa ibang bansa at mag-ipon para sa ikagiginhawa ng buhay ng kaniyang pamilya.


Ngunit sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, unti-unting masisira ang pamilyang pinakaiingatan ni Precy dahil matutuklasan niya ang pagtataksil sa kanya ni Agnes at ng kanyang asawang si Lando (Matt Evans).


Paano tatanggapin ni Precy ang panloloko sa kanya ng pinakamamahal na kapatid matapos ang lahat ng kaniyang pagtitiyaga para dito? Kaya bang burahin ng panahon ang sakit na naidulot ng bawal na relasyon nina Agnes at Lando?


Tampok din sa MMK episode ngayong Sabado sina Ces Quesada, Yves Flores, Phoebi Arbotante, Alec Robes at Marie Joy Dalo. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Arah Jell Badayos, at sa direksyon ni Garry Fernando.


Mapapanood ang MMK ngayong Sabado, pagkatapos ng Wansapanataym, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN