Daniel Padilla and Kathryn Bernardo return to primetime via Got To Believe



Balik-primetime TV ngayong Hulyo sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pamamagitan ng romantic comedy series ng ABS-CBN na Got To Believe. Ito ay sa ilalim ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Matapos makilala bilang sina Prinsesa Areeyah at Gino ng royal teleseryeng Princess And I at bilang sina Ivan at Patchot sa launching movie nila sa Star Cinema na Must Be... Love, patuloy na pakikiligin nina Kathryn at Daniel (na mas kilala na ngayon bilang KathNiel) ang mga manonood.

Sa panibagong kwentong pag-ibig na ibabahagi nila ngayon sa Got To Believe, gagampanan nila ang papel ng dalawang kabataang mula sa magkaibang mundo na magtatagpo sa hindi inaasahang pagkakataon. Si Daniel ay ang rich kid, spoiled "prince" na si Joaquin at si Kathryn ay si Chichay, ang simple girl with big dreams.

Bahagi rin ng cast ng Got To Believe sina Manilyn Reynes, Benjie Paras, Ian Veneracion at Carmina Villarroel.

Samahan sa Got To Believe sina Chichay at Joaquin sa pagsabak nila sa "real world" na susubok sa kanilang katatagan at pag-amin sa kanilang mga tunay na nararamdaman. Sapat na kaya ang "never say die" motto ni Chichay upang maabot ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya? Anong magkapagbabaligtad sa mundo ni Joaquin para ma-realize na sa gitna ng mala-prinsipeng buhay ay may kulang pang "magic" na kukumpleto sa kanya?


Ang upcoming romantic TV series na Got To Believe ay mapapanood na ngayong Hulyo sa ABS-CBN Primetime Bida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN