Julia Barretto joins Zaijian Jaranilla and Xyriel Manabat in Wansapanataym Presents Petrang Paminta



WANSAPANATAYM SPECIAL NINA JULIA, ZAIJIAN AT XYRIEL, MAGSISIMULA NA NGAYONG SABADO. Mapapanood na ngayong Sabado (June 29) ang Wansapanataym Presents Petrang Paminta na pinagbibidahan ng Kapamilya child wonders na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat kasama ang Star Magic Batch 2013 member na si Julia Barretto.

TV remake ito ng nobela ni Pablo Gomez, ang Wansapanataym Presents Petrang Paminta. Ang 2013 version ay sa ilalim ng direksyon ng box-office director na si Wenn V. Deramas. Tampok sa pinakabagong Wansapanataym special ang kuwento ng magkapatid na Petra (Julia) at Aya (Xyriel) na nagtatrabaho sa taniman ng paminta ng kanilang masungit na tiyahin. Dahil sa hirap ng kanilang buhay ay palihim silang tutulungan ng duwendeng si Pampam (Zaijian) na mayroong espesyal na pagtingin kay Petra. Paano nga ba magbabago ang buhay ng magkapatid sa tulong ng mahihiwagang paminta?


Makakasama nina Julia, Zaijian, at Xyriel sa Wansapanataym Presents Petrang Paminta sina Diego Loyzaga, Ruby Rubi, Kiray Celis, Atak Aranas, Maricar de Mesa, Epi Quizon, Jayson Gainza, Tess Antonio, Joey Paras, at Alora Sasam.

Mapapanood ang pilot episode ng four-week special ng storybook ng batang Pinoy, Wansapanataym, ngayong Sabado sa ganap na 6:45 pm, pagkatapos ng Kapamilya: Deal or No Deal sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN