Jessy Mendiola: "Hindi naman po talaga maiiwasan ang comparisons, even with Marian Rivera mako-compare po ako..."

Jessy Mendiola will play the title role in Maria Mercedes, the Philippine adaptation of the Mexican telenovela starring Thalia. The Kapamilya actress already expects to be compared to other actresses who portrayed different roles of Thalia, “I guess I just have to accept ‘yong opinyon ng ibang tao.”


Malapit daw sa puso ni Jessy Mendiola ang upcoming show niya na Maria Mercedes.

“Ito po ‘yong character na feeling ko po sobrang lapit sa puso ko po,” sabi niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at ibang entertainment press kahapon, June 26, sa kanyang solo presscon na ginanap sa 14th floor ng ABS-CBN, Mother Ignacia St., Quezon City.

Ang pagkakapareho nila ng ugali at pinapahalagahan sa buhay daw ang dahilan kung bakit napamahal agad sa aktres ang kanyang bagong role.

Aniya, “So si Maria Mercedes palaban, masayahin, pero kahit walang-wala sila mahal na mahal niya ‘yong pamilya niya.

“Kasi siguro po, si Maria Mercedes, siya ‘yong tipo ng tao na gagawin niya ang lahat para sa pamilya niya.

“Lalaban siya… kahit isa sa pamilya niya ang maapi, siya mismo ang haharap, ako na mismo ang awayin n’yo ‘wag lang ang pamilya ko. So, malapit talaga sa puso ko ang pamilya ko.

“At gaya nga po ng sabi sa theme song, ‘May isang pag-ibig na napapangarap ko,’ ako rin po nangangarap ako ng pag-ibig. So parehas lang kami do’n, sa area na ‘yon ni Maria Mercedes.”

DREAM PROJECT. Tuwang-tuwa raw si Jessy nang malaman na sa kanya ibibigay ang proyektong Maria Mercedes.

“No’ng nalaman ko po na ako si Maria Mercedes talagang naging emotional ako,” kuwento ng Kapamilya actress.

“Kaya nga po habang pinapanood ko ‘yong AVP naiiyak ako, kasi pangarap ko talaga maging tulad niya.

“So no’ng sinabi sa akin at pinakanta pa sa akin ‘yong theme song, sobrang saya ko na hanggang ngayon pinagkakatiwalaan pa rin ako na magkaroon ng ganito kalaking role.”

Mayroon daw mga kaunting pagbabagong ginawa sa kuwento para magkaroon ito ng “Filipino touch.”

Medyo itinulad nga raw sa kanya ang kanyang karakter na si Maria Mercedes, dahil may ugali ito na “Waray.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilala kasi ang mga Waray sa pagiging palaban, lalo na kung pamilya na ang pinag-uusapan.

Ang Maria Mercedes ay kuwento tungkol sa mahirap na si Maria Mercedes, na iibig sa isang mayamang lalaki na nangngangalang Jorge (Jake Cuenca).

Pero dahil sa pamilya ni Jorge at iba pang tao na papasok sa kanilang buhay, susubukin ang tibay ni Maria Mercedes at kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa kanyang pamilya.

Ilan pa sa mga makakasama ni Jessy sa show ay sina Jason Abalos, na isa rin sa magiging leading man niya, Vina Morales, Dominic Ochoa, Vivian Velez, at ang pagbabalik-telebisyon ni Nadia Montenegro.

COMPARISONS. Samantala, ilang telenovela ni Thalia— ang kilalang Mexican telenovela actress noong ‘90s— ang ginawan na ng Filipino adaptation.

Unahin natin ang ginawa ng GMA-7: ang Marimar (2007) na pinagbidahan ni Marian Rivera at ang Rosalinda (2009) na pinagbidahan naman ni Carla Abellana.

Ang Kapamilya network naman ay ginawa ang Filipino adaptation ng Maria la del Barrio (2011) na pinagbidahan ni Erich Gonzalez.

Kaya naman si Jessy, inaasahan na ang pagkukumpara sa kanya, lalo na sa kapwa niya Star Magic talent na si Erich.

Gayunman, positibo ang pananaw dito ni Jessy kaya naman hindi niya ito masyadong iniintindi.

Aniya, “Magkaiba naman kasi si Maria la del Barrio at si Maria Mercedes. So ‘yong pag-portray ko bilang Maria Mercedes iba na siya sa pag-portray ni Erich kay Maria la del Barrio.

“Kasi magkaiba rin naman po kami ni Erich, at si Erich po ay sobrang galing. Ako rin po hanga ako sa kanya, heavy dramatic skills.

“And hindi naman po talaga maiiwasan ang comparisons, even with Marian Rivera mako-compare po ako kasi siya ang nag-Marimar sa kabila.

“At marami rin naman po kasing soaps [soap opera] si Thalia, kaya expected po talaga na mako-compare at mako-compare, and I guess I just have to accept ‘yong opinyon ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi marami rin naman po ang nagsasabi na bagay, marami rin naman po ang nagsasabi na, ‘Mas bagay si ganito kaysa kay ganyan.’

"So ito na po, e, ako na po si Maria Mercedes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN