Gabby Eigenmann talks about his gray character in Mundo Mo'y Akin


Masaya si Gabby Eigenmann dahil sa bawat trabahong ginagawa niya, nararamdaman niya na may mga taong nakaka-appreciate talaga sa ipinapakita o pinaghihirapan niya.
Katulad na lamang ng magkasunod na episodes ng primetime teleserye na Mundo Mo’y Akin noon Biyernes at Lunes kunsaan, masasabing highlight ng karakter niya ang mga naturang episodes.
Nagkaroon na ng rebelasyon kung sino talaga ang tunay na anak niya kina Louise delos Reyes at Lauren Young at sa naging panloloko sa kanya ng totoong anyo ng asawa niyang si Angelika dela Cruz.
Tuwang-tuwa si Gabby dahil sa ilang social networking sites tulad ng Twitter at Instagram, hindi lamang mga fans o manonood ang bumabati at pumupuri sa kanya pero pati na rin ang ilang tao sa industriya.
Minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tanungin si Gabby sa kung ano naman ang reaksiyon sa magagandang feedback na nakakarating sa kanya.
Ayon kay Gabby, “Natutuwa naman ng sobra.
“All the hard work, nag-pay-off dahil sa magagandang comments. It was a team effort dahil lahat kami sa set, matagal hinintay ang ultimate revelation. We were so excited doing all those scenes at nagpapasalamat ako sa directors and co-actors namin sa pag-aalalay sa mabibigat na eksena.
“Hanggang ngayon, I’ve been receiving comments from Pinoy TV subscribers.
“Nakakapagtaba ng puso, sobra. Mas lalo pa akong ginanahang mag-trabaho ng maige.”
Nakarating din sa amin na pagkatapos daw kuhanan ang naturang eksena, pareho raw sila ni Angelika na hindi na halos makahinga pagkatapos sa sobrang “intense” ng emosyon nila.
Natawa si Gabby, “Nakakapagod kasi. Yun na yung pinakahihintay naming gawin na eksena. Kaya binuhos na namin.”
Tatlong linggo na lang daw mapapanood na umeere ang Mundo Mo’y Akin. Nakapag-extend pa raw sila ng isang linggo.
Aminado si Gabby na naging malapit na siya sa cast at staff.
“Siyempre, malungkot na malapit na kaming magtapos. Sa sobrang konti ng cast ng Mundo Mo’y Akin, ‘di malayong maging close kami sa isa’t-isa. Lalo na ngayon, medyo humahataw na ang mga eksena, hindi maiaalis na mabitin kami sa ginagawa namin.
“But we are happy kasi, umuusbong ang ratings namin after all the hard work. Mamimiss namin ang isa’t-isa, as in.”
Ang malaking tanong ngayon ay kung gaganda pa nga ba si Louise bilang si Marilyn sa pagtatapos nito. May mga batikos din silang inaani na tila ang teleserye nila, parang lumalabas na ang magaganda lang ang nagiging masaya o katanggap-tanggap.
Kaya naitanong namin kay Gabby kung siya kaya ang masusunod, pagagandahin pa niya ito sa ending o hahayaan na lang sa pangit na anyo nito?
Ayon kay Gabby, “Well, kung ako ang tatanungin, kung ako lang naman, sa akin hindi na siguro kailangang pagandahin si Marilyn. She has a kind heart at nakita naman yun kahit pangit ang kanyang pang labas.
“Mas may katuturan siguro sa istorya na hanggang matapos, ganoon pa rin ang itsura niya. It gives hope, chance for love. Acceptance anuman ang anyo.”
Aminado si Gabby na noong una, tila ang karakter niya sa Mundo Mo’y Akin ay tila wala masyadong bigat. Lalo na kung ikukumpara pa sa mga nauna na niyang teleserye na siya talaga ang kontrabida.
Masasabi niya bang iba pa rin kapag kontrabida talaga ang ginampanan niya sa isang serye kumpara rito sa MMA na matatawag bilang gray character?
“Yung character kasi ni Ziggy, medyo ngayon lang ako naging hands-on sa pagiging father na role. Medyo mature na nakaka-relate ako in real life. Like I said before, medyo na-sustain ang gray character ni Ziggy. ‘Di ba, ‘di ako kontrabida ngayon,” natatawa niyang sabi.
“Medyo na-challenge nga konti kasi, nasanay ako na maging bad sa ending ng show. Pero dito, in fairness, walang bahid ng bad,” natatawa pa rin niyang pahayag.
Sa huli, may na-coin na salita ngayon dahil sa karakter niya sa MMA, ang “Baka Ma-Ziggy Carbonel ka.”
Tumutukoy ito sa mga lalaking baka raw maloko dahil akala, maganda ang nililigawan, girlfriend o asawa nila, pero retokada lang pala.
Tawa naman ng tawa si Gabby dahil nakarating na nga raw sa kanya yun.
Aniya, “Nakakatuwa naman. Humihilera na ba siya sa i-Dawn Zulueta mo ko?
“Ang layo! Pero nakakatuwa naman.”
Dugtong pa niya, “Ako naman sa Twitter, kapag nasa bahay ako, nakakapanood ako ng MMA, nagtu-tweet ako na panoorin. Pero, simula noong Friday, ito na, ginanahan ako na i-promote. At sobrang nakakatuwa talaga yung impact, yung reaction na natatanggap ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN