Jennylyn Mercado and Mark Herras's characters are afflicted with AIDS in Magpakailanman



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


"Ngayong Sabado, inihahandog ng Magpakailanman ang kuwento ng paghihirap at pag-asa ni Melissa Fernando, ang babaeng may AIDS ang asawa.

"Itinatampok si Jennylyn Mercado sa kanyang natatanging pagganap bilang Melissa, at si Mark Herras para sa kanilang muling pagtatambal.

"Kasama rin sina Gwen Zamora, Kathleen Hermosa, at Bing Davao; at mula sa masusing direksyon ni Laurice Guillen.

"Magsisimula ang kuwento ni Melissa Fernando nang makilala niya si Jonas, isang seaman na nahuhumaling sa kaniyang angkin na ganda. Hindi madaling nagpaikot si Melissa, pero hindi rin nito maikaila na may nararamdaman siya para sa binata.

"O sa lalaking inakala niyang binata.

"Nang pumayag si Melissa na maging girlfriend ni Jonas, laking gulat niya nang sugurin siya ng isang babae na nagpakilalang asawa ng lalake.

"Dito malalaman ni Melissa na hiwalay lang pala si Jonas sa asawa. Na umaasa pa ang babae na magkakaayos sila ng seaman. Sa galit ni Melissa kay Jonas, handa na ang babaeng kumawala at magpaubaya. Pero dahil sa labis na pagmamahal ni Jonas sa kaniya, at sa hindi niya maitangging pag-ibig rin sa lalake, binigyan niya ito ng panibagong pagkakataon.

"Naging maayos ang pagsasawalang-bisa ng kasal ni Jonas sa kaniyang dating asawa. Hindi rin nagtagal at ikinasal silang dalawa ni Melissa. Naging tahimik na ang kanilang pagsasama.

"Pagkalipas ng ilang taon, kahit na patuloy ang pagluwas ni Jonas bilang seaman, ay nakabuo rin sila ng anak ni Melissa. Masaya ang pamilya nila.

"Hanggang sa isang pag-uwi ni Jonas, laking gulat ni Melissa nang nakaratay na sa stretcher ang lalake nang salubungin niya. May malubha nang sakit ang lalake—at hindi malaman ng mga doktor kung paano ito mapapagaling.

"May isang doktora na magmumungkahi kay Melissa na ipa-test si Jonas for HIV. Positibo ang lalake.

"Lalo pang gumuho ang mundo ni Melissa nang malaman niyang maging siya ay positibo rin. Ang ipinapangamba na lang ni Melissa ay ang magiging lagay ng anak nila ni Jonas—at kung maging ito ba ay nahawaan nilang mag-asawa.

"Ano ang buhay na naghihintay para sa mag-ina?

"Paano haharapin ni Melissa ang kinabukasang walang kasiguraduhan para sa kanilang mag-ina?

"Sundan ang kuwento ni Melissa Fernando ngayong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7."

* Disclaimer: Names have been changed to protect the privacy of the case study’s child.

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN