Protégé winner Thea Tolentino joins the cast of Anna Karenina

(L-R) Krystal Reyes, Barbie Forteza, and Joyce Ching describe their leading men in Anna Karenina. Protégé winner Thea Tolentino (rightmost) is the latest addition to the cast of Anna Karenina.


Tuwang-tuwa ang GMA Artist Center talents na sina Barbie Forteza, Joyce Ching at Krystal Reyes dahil sa magandang ratings na nakukuha ng pinagbibidahan nilang Kapuso primetime soap, ang Anna Karenina.

At least daw nabawasan na ang nararamdaman nilang kaba at pressure kung kaya ba nilang pataasin ang ratings nito at pasikatin ang remake ng serye dahil talaga namang pumatok ang unang version nito na pinagbidahan noon nina Sunshine Dizon, Antoinette Taus, at Kim delos Santos.

Ginagampanan ni Krystal ang role ni Anna, si Barbie ay si Karen, at si Joyce ay ang gumanap na Nina sa naturang primetime series. Bagama’t may conflict ang karakter nilang tatlo sa istorya, sa totoong buhay naman daw ay close friends talaga sila. Itinanggi nila ang balitang nagkakaroon daw ng insecure-an at patalbugan sa kanila. Pagkatapos nga raw ng take ay panay ang kuwentuhan nila sa tent at ang paborito raw nilang pag-usapan ay tungkol sa make-up at iba pang girly stuff.

Pero hindi ba sila apektado sa pagkakaroon ng fans nila ng Team Anna, Team Karen at Team Nina?

Sagot ni Krystal, “Hindi naman po, kasi sa amin naman parang wala naman pong kumpetisyon. Kilala naman po namin ang isa’t isa kaya wala dapat isyu.”

Ayon naman kay Barbie, “Well, expected na po namin na magkakaroon ng ganun. Bilang sa showbiz naman ay nagkakaroon talaga ng comparison, e, handa na kami kung ano yung dapat namin gawin at yung hindi.”

Sabi naman ni Joyce, “Kami naman sobrang close naming tatlo off-cam. Pero natutuwa ako kasi naaapektuhan yung mga tao sa soap. Talagang nag-iisip sila ng Team Anna, Team Karen, Team Nina.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Barbie, Joyce at Krystal sa pocket presscon na inihanda ng GMA Artist Center para sa kanilang tatlo noong June 27.


THEA TOLENTINO JOINS THE CAST. Sa istorya ay napunta na silang tatlo sa mansyon at sumailalim sa DNA testing pero ang resulta ay wala isa man sa kanila ang nag-match sa mga Monteclaro. Dahil diyan ay may panibagong karakter na pumasok, si Angel, na ginagampanan naman ng Protégé winner na si Thea Tolentino.

Ayon sa tatlong bida ng Anna Karenina, wala raw silang dapat ika-insecure kahit may bagong karakter. Welcome daw si Thea sa show at mas maganda nga raw iyon na may bagong madadagdag sa barkada nila sa totoong buhay.

Pabirong tanong nga ng PEP sa tatlo, hindi kaya i-bully nila si Thea?
Sabay-sabay naman nilang sagot, “Ay, hindi po. Mababait naman po kaming lahat. Hindi po kami bully. Wala naman po kaming karapatan na gawin iyon kay Thea.”

LEADING MEN. Marami pa raw dapat abangan sa serye. Bukod sa paghahanap sa tunay na Anna Karenina, iinit din daw ang love story ng tatlo sa kanilang leading men na sina Julian Trono, Derrick Monasterio at Hiro Magalona.

Paano naman nila ilalarawan ang good points ng kanilang leading men?
Sabi ni Krystal tungkol kay Julian, “Siyempre si Julian po magaling sumayaw. Hindi ko pa po siya masyadong nakakasama sa eksena, so hindi ko pa rin po siya gaanong kakilala. Pero si Julian po mabait naman siya, medyo madaldal, kaya madali ko po siyang nakasundo.”

“Si Derrick po napakatahimik… pag tulog,” biro ni Barbie sa kanyang leading man. “From Tween Hearts talaga nakikita ko yung improvement niya acting-wise at saka siya rin yung nakakapagpaingay sa aming tatlo, isa sa mga nakakapagpaingay lalo na kapag antok na kaming tatlo, ayun.”
Ayon naman kay Joyce sa partner niya, “Si Hiro po, siguro ang good point sa kanya tumatanggap siya ng criticism kapag may sinasabi sa kanya na instructions, tinatanggap niya naman tapos sinusunod niya sa abot ng kanyang makakaya.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN