Mark Anthony and Renz Fernandez recreate tragedy of flash floods in Quezon province



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


"Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tampok ang magkapatid na sina Mark Anthony Fernandez at Renz Fernandez sa kambal na kuwento ng pagdurusa at pag-asa.

"Kasama rin sina Chynna Ortaleza, Rich Asuncion, Rose Ann Magan, Nicole Dulalia, Kenji Anonuevo, Rain Quite at Colleen Reyes.

"Taong 2004, ilang linggo bago dumating ang Pasko, isang kagimbal-gimbal na trahedya ang dumapo sa mga taga-Infanta, Quezon; kabilang sa mga biktima nito ay ang magkumpareng sina Emmanuel at Manuel.

"Bago dumating ang mga bagyong nagdala ng flash flood sa kanilang lugar, nagkaroon na rin ng unos ang pagsasama ng dating magkaibigan. Hindi maatim ni Emmanuel na makita ang pagkasira ng pamilya ng kumpareng si Manuel, kaya ipinaalam nito sa kumareng si Doring ang tungkol sa pambababae ng kaibigan.

"Hindi matanggap ni Manuel ang pangingialam ng kaibigan sa pamilya, gayong ang sarili nitong pamilya ay problemado sa pagkalulong ni Emmanuel sa paghahanap ng ginto sa kabundukan.

"Ngunit nagbunga ang paghahanap ni Emmanuel. Kasabay ng tuluyang pagwatak ng samahan nina Manuel at Doring, tumibay naman ang pagsasama ni Emmanuel at ng asawa nitong si Linda. Hanggang sa dumating ang unos. Hanggang sa dumaloy ang baha.

"Sa isang iglap ay bumaliktad ang estado ng mga buhay ng dating magkaibigan.

"Habang inililikas ang pamilya, nahiwalay si Emmanuel kay Linda at sa kaniyang mga anak. Habang sa paghabol naman ni Manuel kay Doring ay nagkasama-sama sila sa iisang lugar nang naganap ang trahedya. Sa pagkawala ng lahat sa buhay ni Emmanuel, ay siya namang mabubuong muli ang pamilya ni Manuel.

"Matapos bigyan ng pangalawang pagkakataon sa buhay at sa pamilya, aayusin na ni Manuel ang kaniyang pamumuhay. Pero paano naman si Emmanuel? Gugustuhin pa ba niyang ayusin ang kaniyang buhay kung gayong wala na ang kaniyang mag-iina?

"Mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr at sa panulat at pananaliksik ni Vienuel Ello, sundan ang kuwento nina Emmanuel at Manuel ngayong Sabado sa Magpakailanman - Lubog Sa Putik: A Quezon Flash Flood Story, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN