Gladys Reyes now co-producer in her Net25 show; she admits feeling disappointed by infrequent GMA-7 appearances

Hindi dahilan para kay Gladys Reyes na busy siya masyado sa kanyang trabaho para mapabayaan ang pamilya at asawa. Patunay niya: “Sayang, wala si Christopher [Roxas] rito. Pero, sana, tanungin niyo siya, siguradong hahaba ang buhok ko at sasabihin niyang couple-perfect.”



Nagkaroon ng presscon ang Moments host na si Gladys Reyes noong Martes, July 2, sa Sequoia Hotel.

Dito inanunsiyo ng aktres na hindi lamang siya host ng kanyang show kung hindi, co-producer na rin siya.

Ikinuwento rin ni Gladys kung paano siya nagsimula sa show.

Ayon kay Gladys, “Tinanong po ako ng mga boss namin sa Net25, ‘If you will be given a show, anong show ang gusto ninyo?’

“Kasi, kami ang mga pioneer sa Net25, kami nila Ate Janice [de Belen], yung mga shows namin.

“So, sabi ko, ‘Siguro po, it has something to do with motherhood or parenting since first time parent po ako.’ That time, kay Christophe [referring to her son].

“Nakakatuwa naman kasi, from A-B-C-D, naabot naman po, naa-appreciate naman nila ang show.

“Nakakasalubong ko sa grocery, e, sinasabi nila na malaking tulong ang programa ko sa kanila, kahit na yung mga matatagal ng parents.”

HANDS-ON. Anim na taon na ang programang Moments ni Gladys at ang malaking kaibahan niya sa ibang host ay very hands-on siya.

Maraming beses na siya pa ang personal na nag-iimbita para raw mag-guest sa kanya ang artista.

Sabi nga niya, “Very hands-on po talaga ako.

“Kailangan din, interesado ako sa mga guests, siyempre, may mga questions din from the writers, pero, ako talaga ang nanonood.

“’Ano ba ang gusto kong itanong sa guest?’”

Parang nadaig na ni Gladys ang ibang programa at ibang host dahil sa programa niya, walang “boundary” ang mga network.

Nai-guest na niya sa Moments ang halos lahat ng A-list stars sa Philippine showbiz.

Masayang kumpirma niya, “Mula kay Sharon [Cuneta], Robin [Padilla], Vic [Sotto], Martin [Nievera, Vilma Santos, Nora Aunor, Madam Imelda Marcos at marami pa pong iba.

“Naku, lalo na po this season, we aim to highlight couples.

“So, ang akin pong mga natapos nang i-tape ay sina Juday [Judy Ann Santos] at Ryan [Agoncillo], sina Senator Grace Poe at Sir Neil Llamanzares at ito pong nakaraan, sina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung episode nina Juday at Ryan na two-parts ay magsisimula sa July 6 (Saturday)ng 7 p.m. at may replay tuwing Linggo.

May gusto pa ba siyang mag-guest sa Moments?

“Ang pangarap ko po talaga ay sina Manny at Jinkee Pacquiao.

“Alam ninyo naman ako, ma-chika, pero, wala akong direct contact with them, e, hindi ko alam kung sino ang tatawagan.”

COUPLES EPISODE. Dahil couples ang mga ifi-feature nila ngayon, may nagtanong kay Gladys kung hindi raw ba pupuwede ang mga “illegal couple?”

Natigilan ito at saka sinabing, “Ah, alam ninyo naman po ang Moments, medyo ang tinatalakay natin ay family.

“We promote moral values, family values.”

Nauuso na ngayon ang “bromance” tulad ng homosexual relationship na tampok sa gay-themed GMA-7 series na My Husband’s Lover.

Pupuwede kaya niyang i-guest ang magkarelasyon na parehong lalaki o parehong babae?

“Sa ngayon, hindi pa. Kumbaga, season by season muna tayo,” paliwanag ni Gladys.

“So, sa ngayon po, couple muna ang ating hina-highlight,” natatawa niyang sabi.

PROGRAM PRODUCERS. Ang Net25 at ang kumpanya ni Gladys na GPR Sommereux, Inc. ang producer ng Moments. Ito ang unang beses na sumabak si Gladys sa pagpo-produce.

Bilang producer, ano ang nakatoka niyang trabaho?

“Bale ako po, ang sino-shoulder ko as co-producer ng show is the content of the show.

“So, ako yung executive producer, I have my A.P. [associate producer], I have my writers, I have my own sales and marketing.”

Parang Oprah Winfrey yata ang pine-peg na niya sa sa career niya?

“Naku, ang layo ko pa roon, ilang kabang bigas pa kaya ang kailangan kong kainin?” natatawa niyang sabi.

Si Kris Aquino, puwede rin palang kabahan sa kanya? Bulalas ni Gladys, “Naku, hindi naman!”

Nabanggit niya na sa season na ito, siya ang producer, posibleng bang sa mga susunod na season ng Moments, hindi na siya ang magko-co-produce?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman, kasi, ayoko naman ng gumo-go ng tuloy-tuloy.

“Siyempre, gusto kong kapain muna ang pagpo-produce.

“First two seasons ako nag-sign.

“Then, after that, depende sa mapag-uusapan namin at itutuloy-tuloy ko kung hindi ako masyadong mai-stress.

“Which is, so far, thankful ako sa Panginoon kasi, ang smooth-smooth ng mga episodes namin.”

FORMAT. Ano ang makikitang pagbabago sa show niya ngayong isa na siyang co-producer?

“Feeling ko, mas maganda! Biased?” natatawang sabi niya.

“Pero siyempre, mas ganado ko ngayon, bilang hindi na lang ako ang host, co-producer na rin.

“Executive producer, ako rin naman yun, talent coordinator, ako rin naman yun,” natatawa pa rin na sabi niya.

“Associate producer, siyempre, meron naman at ang account executive, yung kapatid ko ang kinuha ko.

“So, siyempre, dapat, within the family na, ‘di ba?

“O, minsan nga, ako na ang nagdidirek...minsan, ‘Direk, zoom-in ka roon.’

“E, siyempre, dito ko lang naman magagawa yun at hindi ko naman magagawa sa ibang programa ko.”

Dahil dito, tawanan ang ilang entertainment press na nasa presscon.

CORPORATE PATH. Mukhang corporate level na ang tinatahak ng career ni Gladys bukod sa pagiging full-time actress niya.

Kasama siya sa pelikulang Barber’s Tale nina Eugene Domingo at Iza Calzado at may teleserye siyang Home Sweet Home sa GMA-7.

Board member din siya ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

May mga businesses pa silang mag-asawa tulad ng KSA at ngayon naman, co-producer na rin siya ng show.

Hindi kaya siya nagkukulang naman sa family time? Paano siya ngayon bilang isang ina?

Pagmamalaki niya, “As a mom, hands-on ako.

“Since day one ng mga anak, I breastfed them, one year, two years. Yung bunso ko, till now, still feeding.”

Bilang misis kay Christopher Roxas, hindi kaya siya nagkukulang na ng oras?

Paliwanag niya, “Ay, as a wife, hindi ako usual na nagluluto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, si Christopher ang magaling doon, nagsa-suffer ako into comparison.

“Halimbawa, pagtungtong namin ng kusina at naabutan niya akong nagluluto, si Christopher, ‘Dapat, inuna yung…’

“’Ay naku, ayoko na, ikaw na lang.’ E, siya talaga ang chef. Nag-take siya ng culinary at saka, nag-work siya sa Monaco.”

E, yung “private moment” nila ni Christopher, kumusta naman?

“Naku, hinahanapan po yun, yun ang hindi puwedeng mawawala.

“Ang sabi nga, ang mga anak, nine-nurture mo ‘yan, inaalagaan.

“Kapag lumaki na ang mga ‘yan, siyempre, magkakaroon sila ng sariling buhay.

“So, maiiwan kayong mag-asawa.

“So, importante pong talaga na kayong mag-asawa, solid, intact ang foundation ng relationship ninyo.

“Yung togetherness, since mag-boyfriend, at up to now na magkasama kami.”

Dugtong pa niya, “Ang togetherness namin, for 22 years na—eleven years kami na mag-boyfriend/girlfriend, and the rest, as mag-asawa.”

Hindi ba siya nagkukulang sa aspetong yun?

“Sayang, wala si Christopher rito. Pero, sana, tanungin niyo siya.

“Siguradong hahaba ang buhok ko at sasabihin niyang couple-perfect,” natatawang pahayag niya.

DISAPPOINTED. Kung masasabing matagumpay siya sa show niyang Moments, tila hindi pa masasabing maganda ang naging pagbabalik niya sa GMA-7 dahil sa Home Sweet Home, naging madalang lang din siyang napapanood.

Umamin naman si Gladys na na-disappoint daw siyang talaga noong umpisa.

Aniya, “Noong una, na-disappoint ako.

“Aminado naman akong talaga roon, kasi, looking forward ako na mag-soap ulit.

“Ako, natuwa ako kasi, pambata, light.

“Siyempre, noong mga first few taping days, few rin ang taping ko,” biro pa niya.

“Sobrang few to the point na, ‘Nay [Lolit Solis], nakakalungkot, hindi ako masyadong nako-call.

“Pero, bawing-bawi naman sila, kasi, ngayong patapos na, maraming, marami na kaming eksena ni Rochelle [Pangilinan].

“Pero, ako, looking forward ako for more meaty roles.

“Pero ako, looking forward lang,” nakangiti namang pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN