Pilar Pilapil says about being replacement of Amalia Fuentes: "There's no insecurity about being second fiddle."

(L-R) Susan Roces, Dante Rivero and Pilar Pilapil figure in a love triangle in Muling Buksan ang Puso. The character of Pilar was supposed to be played by Amalia Fuentes (not in photo) but she resigned from the ABS-CBN show.


Ang Muling Buksan ang Puso sana ang magiging reunion project ng former movie queens of the '60s na sina Susan Roces at Amalia Fuentes.


Ngunit, hindi ito natuloy dahil nagkaroon si Amalia ng “creative differences with the production team.”

Sa kanyang pagku-quit, pinalitan si Amalia ng isa pang veteran actress na si Pilar Pilapil.

Si Pilar ang bubuo sa love triangle na kabibilangan ni Susan Roces at Dante Rivero.

Ang bagong ABS-CBN teleserye na ito ay pinagbibidahan nina Julia Montes, Enchong Dee, at Enrique Gil. Nasa cast rin sina Matt Evans, Agot Isidro, Cherie Gil, Jestoni Alarcon, Daniel Fernando, at Dominic Ochoa.



NO INSECURITY. Sa presscon ng Muling Buksan Ang Puso noong July 2, kapwa nagpahayag sina Susan Roces at Pilar Pilapil tungkol sa papel na tinalikuran ni Amalia Fuentes.

Naging matapat si Pilar sa kanyang paniniwala hinggil sa pag-assume sa karakter niyang si Elvira kahit alam niyang second choice siya para sa naturang role.

"I'm an actress. There's no insecurity about being second fiddle," deretsahang sabi ni Pilar.

"I accepted the role because it's something new to me, and I'm happy about it.

"Maybe it's not meant for Amalia. It's meant for me," sabi pa ng dating beauty queen.

"Well, we can't be the same. That's for sure..." strong words pa rin from Ms. Pilapil.

SUSAN'S STATEMENT. Sa pahayag ni Pilar ay sumegunda rin si Ms. Susan Roces na siyang gaganap bilang Adelina, ang asawa ni Bernardo (played by Dante). "Sa tingin ko, higit na nababagay kay Pilar ang role ni Elvira," ani Tita Susan.

Pero may pasubali si Tita Susan: that she has nothing against Amalia's decision to discontinue with the project.

"Maybe she has her reasons," sabi ng biyuda ni Fernando Poe Jr.

Nang nabatid na niyang si Pilar ang gaganap sa papel na unang ibinigay sa kanyang rival sa pagka-movie queen of the '60s, sabi rin ni Tita Susan:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ramdam na ramdam ko si Elvira... in Pilar Pilapil!

"And I'm looking forward to doing my emotional scenes with her."

Of her role in Muling Buksan Ang Puso, bilang ina ni Agot Isidro, ito naman ang sinabi ni Tita Susan:

"Totoong tao [ang karakter ko na] si Adelina. Makikita sa kanya ang lahat... merong good at bad side.

"Sa kasaysayan ni Adelina ay umiiral ang pagiging matapang, straight to the point at very independent--but bitter!

"Pero lahat ng ‘yan ay magbabago sa paglipas ng panahon. Lumalabas din ang pagka-sweet niya, pagtagal...

"Masayang-masaya ako na nabigyan ako ng pagkakataong gumanap sa isang papel na hindi nalalayo sa aking pagkatao."

DIREK MANNY PALO EXPLAINS. Naunawaan naman ng ABS-CBN management ang dahilan ng pagku-quit ni Amalia matapos nitong makipag-usap sa staff.

Sa official statement na binigay ng ABS-CBN noong May 27, sinabi na: "Ms. Amalia Fuentes has resigned as actress for the upcoming teleserye, Muling Buksan ang Puso, due to creative differences with the production team and the challenges and demands of regular taping schedules. Her resignation has been accepted and her replacement will be announced soon."

Binigyan si Amalia ng special role sa ibang Kapamilya show: ang Huwag Ka Lang Mawawala na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Still, may pagtatanong sa mga taga-showbiz kung ano pa ang mas malalim na dahilan ng pagku-quit ni Amalia.

May pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na malinawan ang tungkol sa naging pagku-quit ni Amalia Fuentes sa Muling Buksan Ang Puso matapos ang isinagawang presscon.

Si Ms. Amalia ay hindi na nag-grant ng interviews matapos ang kanyang pagku-quit, at balitang lumipad patungong Europe sa kainitan ng issue.


Hindi nga ba sinang-ayunan ni Amalia na gawin siyang "kontrabida" sa character na gagampanan ni Susan, kaya nag-back out siya sa teleserye, matapos ang unang araw ng taping?

Manny Palo, who co-directs Muling Buksan Ang Puso with Nuel Naval, explained:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No. It's Susan's character who's supposed to be strong...na may pagka-kontrabida.

"It's the reverse, actually," sabi ni Direk Manny.

Pagpapatuloy ng direktor, "Maybe, mayroon pang mga questions si Amalia [regarding her role] when we started the taping, so yun ang hindi naayos.

"In teleseryes, we usually go through a process before we start the taping—series of meetings, story conferences, workshops if need be...

"I think, malinaw na sa kanilang lahat 'yon, bago mag-start ang taping...

"Maybe, mayroon pa nga siyang questions nu'ng nagsimula na kaming mag-taping, kaya she felt uncomfortable doing the role.”

Tungkol naman sa kapalit na si Pilar Pilapil, sinabi ni Direk Manny: "As Pilar said, she accepted the role because it's something new to her.

"Kasi, as you've noticed, we do it in our soap na hindi basta black or white [ang characters]... kailangan taung-tao yung character as what Susan also said," pagtatapos ni Direk Manny Palo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN