Vice Ganda joins the cast of Juan dela Cruz as "tikbalang queen"


Masayang-masaya si Coco Martin sa pagpasok ng matalik na kaibigan niyang si Vice Ganda sa kwento ng superhero drama series ng ABS-CBN na Juan dela Cruz. Gagampanan ni Vice sa teleserye bilang "tikbalang queen" na si Santana.

“Na-excite agad ako nung sinabi sa akin na papasok si Vice sa Juan dela Cruz kasi first time namin na magkakasama sa isang teleserye at matagal na rin kaming hindi nagkakatrabaho sa isang project,” pahayag ni Coco na huling nakasama si Vice sa independent movie na Noy (2010).

Tiniyak ni Coco na ikatutuwa ng TV viewers ang role ng kaibigan sa kanyang hit superhero series. Aniya, “Bilib ako sa talento ni Vice. Hindi lang bilang komedyante, kundi bilang isang artista. Alam kong ibibigay niya ang 100% niya para mapasaya ang mga manonood.”

Noong Biyernes, July 5, pinakita na ang half-horse, half-human characters na nais maghiganti sa mga diwata na siyang nagkulong sa kanila sa masukal na gubat. Inutusan ni Santana ang iba pang tikbalang na dakipin ang prinsesa ng mga diwata, si Mira, na ginagampanan ni Shaina Magdayao.

Napapanood ang Juan dela Cruz gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN