Billy Crawford's "It's Time" concert to be shown on GMA-7 this Sunday, October 21


BillyCrawford's first major concert in the country will be aired on GMA-7 this Sunday,October 21. It's Time airs after Ful Haus on the Kapuso network.


Sa maraming hindi nakapanood ng engrande atworld-class concert ng international pop icon na si Billy Crawford, maypagkakataon na kayong masilayan ang first-rate performance na inihandog niBilly sa kanyang mga fans. Ipapalabas na sa telebisyon ang kanyangkauna-unahang major concert sa Pilipinas na It's Time ngayong Linggo,October 21, sa Sunday Night Box Office ng GMA-7.

Ginanap sa Araneta Coliseum noong October 6,mapapanood na ang pinakahihintay na telecast ng It's Time na dinumog ngmga supporters at fans ni Billy. Malalaman na rin kung bakit patuloy napinag-uusapan ang nasabing concert.

Hindi dapat palagpasin itong two-hour concert na todo-todo sa sayawan at kantahan. Kabilang sa mga kanta ni Billy dito ay ang kanyang mgasikat na awitin, tulad ng "Bright Lights," "Steamy Nights," at "Trackin." Kasamaniya ang international choreographer na si Maryss from Paris,R&B Prince JayR, Karylle, Kris Lawrence, ang dance group na Maneouvers, atang mga nanalo sa kanyang dance reality show na Move! bilang guest.

Kailangan ding maumpisahan ang telecast ng It'sTime concert dahil sa opening number pa lang, hahanga na ang lahat sagaling ng 25-anyos na international artist. Ang naturang concert na ito aysumailalim sa direksiyon ni Gabriel Hoareau.

Abangan ang It's Time concert ni BillyCrawford ngayong Linggo, October 21, sa Sunday Night Box Office (SNBO)pagkatapos ng Ful Haus sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN