Gretchen Barretto shoots scenes for Judy Ann Santos-starrer, Huwag Ka Lang Mawawala

Gretchen Barretto is cast as Attorney Eva Custodio in Huwag Ka Lang Mawawala.


Ibinahagi ni Gretchen Barretto na nag-shoot siya ng mga eksena para sa ABS-CBN primetime teleserye na Huwag Ka Lang Mawawala. Ito ang drama series na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos, Sam Milby at KC Concepcion.



Sa kanyang official Instagram account, nag-post kamakailan si La Greta ng iba’t ibang litrato niya habang nasa taping kasama mismo si Juday. “I love joining this team and I’m loving every minute of it,” ani Gretchen sa isa sa behind-the-scene photos na ibinahagi niya sa fans. Sa kuwento ng Huwag Ka Lang Mawawala ay gagampanan ni Gretchen ang karakter ni Attorney Eva Custodio.



Tuklasin ang magiging kaugnayan ni Atty. Custodio sa buhay ni Anessa (Judy Ann) sa Huwag Ka Lang Mawawala, gabi-gabi sa bago nitong oras sa ganap na 9:15 pm, pagkatapos ng Muling Buksan Ang Puso sa ABS-CBN Primetime Bida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN