ABS-CBN comedy show stars entertain fans for Bida Kapamilya Caravan Day


Halos mapuno ng mga fans ang SM Sky Dome noong Sabado ng hapon (July 6) dahil sa ginanap na Bida Kapamilya Caravan Day na tampok ang comedy shows ng ABS-CBN.

Ang mga comedy shows na tampok ay ang LUV U, Toda Max, Banana Split at anglongest running kiddie-gag show na Goin’ Bulilit.

Ang mga comedy shows na ito ng Kapamilya Network ay nasa ilalim na ng business unit head na si Ms. Linggit Tan.

Nagsilbing host sina Melai Cantiveros at Eric Nicolas sa naturang Bida Kapamilya Caravan Day.

Hindi naman nabigo ang comedy unit na magpasaya sa mga dumating na fans ng Kapamilya network sa Sky Dome dahil sa Goin’ Bulilit cast pa lang, tawanan na ang mga tao sa mga bibo kids ng show.

Ilan sa mga Goin’ Bulilit Kids na dumating at nakipaglaro sa ilang bata sa audience ay sina Mutya Orquia, Cha Cha Cañete, Bugoy Carino at marami pang iba.

Sinundan ang Goin’ Bulilit ng bagong batch ng LUV U na sina Nash Aguas, Jairus Aquino, Kobi Vidanes, Sharlene San Pedro, Mika dela Cruz at Alexa Ilacad.

Dito na nagkagulo ang mga fans sa loob ng Sky Dome.

Dito rin nakita ng writer na ito kung gaano kalakas sa mga teenagers ang bagong cast members ng LUV U, lalo na sa pangunguna nina Nash at Jairus.

Pero sa dalawa, masasabi naming iba ang sigawan ng tao sa pagbanggit pa lang sa pangalan ni Nash. Nagkagulo at todo-sigawan pa lalo nang kumanta at sumayaw na ito at mas lalo na nang bumaba sa stage at nilapitan ang mga fans niyang teenager rin.

Naging masaya pa rin sa paglabas naman ng cast ng Banana Split, sa pangunguna nang tatlong guys ng show na sina John Prats, Zanjoe Marudo at ang bagong member ng Banana Nite na si Kean Cipriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakipag-laro sila ng zombie race sa mga babaeng napili sa audience. Sa larong ito, kailangan “zombie walk” na mabagal at umuungol at hindi ang unang makakarating ang mananalo.

Nag-perform rin sina Sunshine Garcia at Aiko Climaco kasama si Ryan Bang. Dalawang beses nilang pinakanta si Ryan nang solo. Kaya nang pinapakanta pa itong muli ng mga kasamahan sa Banana Split, nag-litanya na ang Koreano nang, “album launching ko ba ‘to?!”

Ikinatawa lalo ng lahat ang hirit na ito ni Ryan Bang.

Si Kean na pinakabago sa grupo ang nagsabing, “Gusto ko lang sabihin na hindi kami nagta-trabaho, we’re just having fun,” patungkol sa limang taon ng Banana Split.

Humabol naman si Jason Gainza na sumakay pa raw ng MRT na raw para hindi ma-late. Pinasunod na lang niya ang driver niya at sasakyan ngunit parang na-joke time siya.

Natatawang kuwento niya, “Hindi naman pala traffic, kasi nauna pa ang driver at sasakyan ko sa aking dumating dito sa Sky Dome!”

Aliw rin ang segment nina Ryan, Jason, Zanjoe at John na kunsaan nag “Gwiyomi” sila ng sabay-sabay.

Ang panghuli ang comedy show na Toda Max na bukod tanging sina Paul Salas at Myrtle Sarrosa lamang ang nakarating.

Maituturing na isang matagumpay at masaya na Bida Kapamilya Caravan Day ang naganap noong Sabado sa Sky Dome para sa mga comedy shows ng Kapamilya Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN