Angeline Quinto's character sidelines as a clown in Maalaala Mo Kaya


Dahil sa matinding pangangailangan, magtatrabaho bilang clown ang karakter ni Angeline Quinto sa upcoming family drama episode ng Maalaala Mo Kaya sa Sabado (July 13).

Sa kabila ng nakangiting mukha, puno ng problema si Ellah (Angeline) dulot ng sunod-sunod na pagsubok sa kanilang pamilya, lalo na nang inabandona sila ng kanyang ama upang makisama sa ibang babae. Upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, magtatrabaho si Ellah part-time bilang isang clown.

Paano maibabalik ang saya sa isang pamilyang winasak ng kasinungalingan? Hanggang saan kakayanin ng isang anak na tumayong padre de pamilya kung siya mismo ay pinanghihinaan na ng loob?

Kasama ni Angeline sa kanyang ikalawang MMK episode sina Irma Adlawan, Joey Marquez, Bea Basa, Aldred Gatchalian, Michelle Vito, Deborah Sun, Gio Alvarez, Tanya Gomez, Marc Solis, Ingrid Dela Paz, K-La Rivera, Rufami, at Roden Araneta. Ang episode ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan Del Rosario, panulat ni Benjamin Benson Logronio, at sa direksyon ni Mae Czarina Cruz.

Samantala, namayagpag naman sa national TV ratings noong Sabado (July 6) ang heavy drama MMK episode ng dating ka-love team ni Angeline na si Paulo Avelino. Base sa datos ng Kantar Media, naging no.1 overall weekend TV program ang MMK taglay ang 33.7% na national TV rating. Ang katapat nitong programa sa GMA na Vampire Ang Daddy Ko ay nakakuha lamang ng 17.4%.

Ang Maalaala Mo Kaya (MMK) episode ni Angeline ay mapapanood ngayong Sabado, 7:30 pm, pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN